Call Me By My Name

4.9K 166 24
                                    

Pinagmamasdan ng binata ang pulang rosas na nakuha niya sa isang kasal na ginanap sa bayan ng mga Azula

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pinagmamasdan ng binata ang pulang rosas na nakuha niya sa isang kasal na ginanap sa bayan ng mga Azula. Isa- isa niyang tinatanggal ang bawat talulot ng rosas hanggang sa maubos ito.

" Hindi ka pa rin ba titigil? " lapag ng babae ng tsaang madalas niyang iniinum na gawa sa espesyal na bulaklak.

Pinulot ng binata ang mga talulot sa at nilukot ito sa kaniyang mga palad. Ngunit sa pagbuklat ng kaniyang palad, naging abo itong pula. Hinipan niya ito na kuminang sa paligid.

" Hindi na ako natutuwa sa nangyayari? " kita na ang yamot sa kaniyang mukha dahil sa hindi nangyayari ang gusto niyang mangyari.

Humigop ng tsaa ang binata samantalang ang babae ay napapailing na lamang. Kaysa kausapin ng babae ang binata, iniligpit na lamang niya ang mga pinagkainan ng mga ilang bumili sa kaniya.

" Hindi kaya may sumasubotahe sa aking ginagawa? " tanong ng binata sa kaniyang sarili.

" Walang sumasabotahe sa'yo. Ang nangyayari ngayon ay ang patunay na wala kang laban sa tadahana at pag-iibigan ng dalawang nilalang. " sagot ng babae.

Nangalumbaba ang binata. Inaalala lahat ng ginawa niya para hindi magtagumpay ang tadhanang nakita niya sa pagitan ni Har Thorne at ni Arxel.  Mula sa pagtulong niya kay Alifer na pagpalitin ang katauhan nilang magkapatid, hanggang sa pagtulong nito sa kanilang ama na isang kalaban ng lahing Azula at pati na rin ang pagbubura ng alaala ng mga nakasalamuha ni Arxel noong nagpanggap siya bilang Alifer.

Lahat ng iyon ay inalala niya upang tingnan kung saan ba siya nagkamali ngunit wala siyang makuhang sagot.

" Natalo na naman ako. Hindi na ba ako mananalo? " tanong nito sa kaniyang sarili.

Tila isa siyang bata na paulit-ulit na natatalo kaya mas lalo siyang nananabik na manalo sa susunod niyang gagawin na tinatawag niyang laro.

" Sa tingin ko kailangan na ako ng kaibigan kong doktor " pananabik nitong sabi.

" Sino na naman 'yan? " tanong ng babae at inihinto na ang kaniyang ginagawa.

Ngumiti lamang ang binata at tumayo na. Hindi pa niya nauubos ang kaniyang inumin. Kinuha niya na ang kaniyang kapa at isinuot ito.

" Bakit hindi ka muna magpalipas ng gabi dito o kaya hintayin mo munang tumila ang ulan? " pag-aalok ng babae.

Kahit inis na inis na siya sa ginagawa ng binata ay hindi niya maiwasan na mag-alala dito. Para na kasi niyang nakababatang kapatid ito.

" Eto ang tamang panahon para magtungo ako sa bayan ng Ember. Tinatawag na ako ng tadhanang aking ginawa para sa kanilang dalawa "

Kakaiba ang ngiti ng binata na nagpakilabot sa babae. Pinagmasdan na lamang niya ang binata na naglakad sa malakas na ulan ngunit kapansin-pansin na hindi man lang pumapatak sa katawan ng lalaki ang mga patak ng ulan.

Napabuntong hininga ang babae at pinagpatuloy ang ginagawa dahil hindi niya mapipigilan ang binata.

" Balang araw ang tadhana ang makikipaglaro sa'yo at doon mo mararamdaman ang tunay na pakiramdam ng natalo "

- j u n j o u h e a r t -

Call Me By My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon