Ikawalong Kabanata
Thorne's
Kasalukuyan kong pinupulong ang mga hincer dahil madami ng bayan ang sinasalakay ng mga tettares om. Hindi namin maaaring ipagsawalang bahala lahat ng nangyayari lalo na ako.
" Bawal pong pumasok " rinig kong saad ng kawal mula sa labas ng pagpupulong.
Bigla namang nagbukas ang pintuan kaya lahat ay napatingin sa pumasok. Walang iba kung hindi ang pinuno ng mga tettares ceta, si Alifer.
" Subukan mo lang akong hawakan, maglalaho 'yang kamay mo " pananakot nito sa kawal na humaharang sa kaniya.
Sa paraan ng pagbabanta niya ay gagawin niya talaga ang sinabi niya kaya naman natakot ang mga kawal.
" Ipinagbabawal ang pagpasok ng kahit sino sa pagpupulong na ito kung hindi kabilang sa hincer " nagsalita na si Kais.
" Papakinggan ko lang ang mga katangahan na sinasabi niyo tungkol sa om " sagot niya at umupo sa bakanteng upuan sa gawing kaliwa na katapat ko lamang.
" Sige, magsimula na kayo. Isipin niyo na wala ako dito " saad niya kaya napatingin sa akin ang nagsasalita. Tinanguhan ko na siya upang ipagpatuloy ang pagpupulong na kaagad niyang sinunod.
" Nakaraan lamang ay sinalakay nila ang bayan ng Arua at ang sinunod naman nila ay ang bayan ng Jilpo. Marami ang namatay at naging sugatan sa ginawang pakikipaglaban sa kanila "
Nakikinig lang ako ng taimtim sa bawat sinasabi ng mga nagsasalita. Hindi ako maaaaring mangialam sa gagawin o ginagawa nila dahil sa batas na isinagawa sa akin noon ng aking ama, hindi na pinapahintulutan ang Har na pakialamanan ang trabaho ng mga hincer. Nandito lamang ako para makinig sa kalalagayan ng aking nasasakupan.
" May madaling paraan para matalo ang mga om " biglang nagsalita si Alifer. " Ang mabasag ang kanilang julpe "
Nakuha niya ang atensyon sa sinabi niya dahil sa isang salita na ngayon lang namin narinig.
" Julpe? Ano naman ang bagay na 'yan? " tanong ni Matilde.
" Sa oras na mabasag ang kanilang julpe ay sigurado ang kanilang kamatayan. Dahil kung simpleng paghiwa lamang ang gagawin niyo sa kanila ay mananatili silang buhay " paliwanag niya.
" Paano naman kami makakasigurado sa sinasabi mo? " tanong ng isang hincer.
Tiningnan naman siya ni Alifer. Halata sa kaniyang pagtingin ang pamamaliit sa taong sinasalungat siya.
" Bigyan nyo ako ng isang buhay na om at ipapakita ko ang sinasabi ko " saad niya.
Wala na pang sumalungat sa kaniya lalo na si Kais na pinuno ng mga hincer kasi alam niya kung sino ang kaharap namin ngayon. Nakikinig lamang siya at biglang magsasalita kapag may sasalungatin.
BINABASA MO ANG
Call Me By My Name
FantasySi Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang su...