Hawak-hawak ko ang aking labi habang lutang pa rin ang aking isip sa tanong na bakit nya ako hinalikan. Ganito ba ang pakiramdam kapag may unang halik? Mabilis ang tibok ng puso at kahit anong pigil ng aking isip na huwag isipin ay mas lalong bumabalik ang larawan na nakadampi ang labi nya sa labi ko.
" Master Alifer "
Napatingin ako kay Aylin na pumasok sa aking silid. Nagtatakha syang nakatingin sa akin kaya nagtaka rin ako.
" Bakit ka nakahawak sa labi mo, Master Alifer? " tanong ni Aylin na sya namang pagtanggal ko ng pagkakahawak sa labi ko. " At saka bakit ka namumula? May lagnat po ba kayo? " dagdag tanong pa nya.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Masyado bang halata ang aking nararamdaman sa ginawa ni Har Kvasir.
" Wala akong sakit. Siguro ay mainit lang dito sa kwarto ko " rason ko na mukha namang pinaniwalaan ni Aylin.
" Kung gano'n po ay bumaba na po kayo upang kumain na ng hapunan. Ang gusto po kasi ni Stone ay sabay-sabay kayong maghahapunan ngayong gabi " sabi ni Aylin.
" Sige susunod ako " sagot ko kaya lumabas na sya ng aking silid.
Anong gagawin ko?! Makakasabay ko sya sa pagkain at siguradong maalala ko 'yon. Baka masabi ko pa ang bagay na 'yon.
" Mananatili muna ako dito ng sandali para hindi kami magkasabay " kausap ko sa aking sarili.
Sampung minuto akong nanatili dito sa aking silid bago lumabas. Nakapagpalit na rin ako ng damit nang makatungo kami kaagad dito sa palasyo. Halos tumakbo na nga ako paalis sa kanya para maitago lang ang namumula kong mukha. Tahimik lang naman kami kanina at walang nagsasalita ni isa sa amin. Siguro ay nagulat rin sya sa ginawa nya o kaya nabigla lang sya kaya nahalikan nya ako.
Huminga muna ako ng malalim upang mag-ipon ng lakas ng loob bago ko binuksan ang pinto ngunit pagkabukas ko nakita ko ang gusto kong iwasan. Sa pagkabigla ko ay naisara ko ang pintuan.
" Anong ginagawa nya dito sa harap ng pintuan ko? "
Imposibleng napadaan lang sya dahil nakaharap mismo sya sa pinto ko. Hindi kaya sasabihin nya na kalimutan na lang ang nangyari kabina? Tama! Siguro iyon ang sasabihin nya dahil hindi naman nya kagustuhan ang nangyari.
" Alifer " narinig ko ang pagtawag nya sa kinikilalang pangalan ko. Kahit hindi ko tunay na pangalan iyon ay ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko.
Huminga muna muli ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto. Nakatingin ito ng direkta sa akin kaya mabilis kong iniwas ang aking tingin.
" 'Yung nangyari kanina, alam kong nabigla kita kaya--- " sumagot agad ako sa sasabihin nya kasi alam ko naman saang tutungo ang usapan namin ngayon.
" Oo, kakalimutan ko 'yung nangyari kanina! " sagot ko kaagad ng hindi ako tumitingin sa kanya.
Hinintay ko syang sumang-ayon o magsalita man lang sa sinabi ko pero nanatili syang tahimik kaya napatingin ako sa kanya. Magkasalubong na naman ang kilay nya na para bang may sinabi akong masama.
BINABASA MO ANG
Call Me By My Name
FantasySi Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang su...