V- Ang Biglang . . .

4.9K 237 11
                                    

Dahil sa maaga akong nagising, agad akong nagtungo sa kusina ngunit mabilis akong pinaalis ni Aylin dahil mapapagalitan daw sila kapag tumulong ako sa kanila kaya napagdesisyunan ko na lamang lumabas ng palasyo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Dahil sa maaga akong nagising, agad akong nagtungo sa kusina ngunit mabilis akong pinaalis ni Aylin dahil mapapagalitan daw sila kapag tumulong ako sa kanila kaya napagdesisyunan ko na lamang lumabas ng palasyo. Hindi ako hinarang ng mga kawal kaya maganda ang naging umaga ko.

Nagtungo ako sa maze ng palasyo at doon naglakad-lakad. Hindi naman nakakaligaw dahil marami kang lulusutin na 'di tulad ng iba na isa lang ang daan papasok at palabas. Mas maganda sana kung may kasama ako ngayon para masaya maglakad kaso nga lang paniguradong tulog pa si Stone, lalo naman na ayaw kong magpasama kay Har Kvasir.

Matapos ko sa maze, nagtungo ako sa may lawa upang magmasidmasid uli. Malinis ang tubig ng lawa na kulay asul kaya pakiramdam ko ang sarap maligo kaso malamig at hindi ako sanay lumangoy. Hanggang gilid lang ako na mukhang mababaw dahil kita ko ang bato't buhangin na nasa ibaba. May mga isda rin akong nakikita kaya sinusundan ko ang paglanggoy nila. Naglalakad ako sa gilid habang nakatingin sa kanila.

" Master Alifer " napatingin ako sa isang matandang babae na nasa aking gilidan.

May hawak sya ng iba't-ibang uri at kulay ng bulaklak kaya mabilis akong lumapit sa kanya.

" Tulungan ko na po kayo " alok ko na kita ang pagkagulat kasi nanlaki ang mga mata nya.

May ginawa ba si Alifer sa kanya noon? Ganito rin kasi ang reaksyon ng iba kapag nagpapakabait ako sa kanila dahil malalaman ko na lang na napagbuhatan sila ng kamay ni Alifer o kaya nasigawan.

" H-hindi na po. Marurumihan po kayo " sagot nya sa akin nang hindi nakatingin.

" Ayos lang po. Mukhang mabigat po ang mga iyan " pagpupumilit ko.

Kita ko ang pagtataka sa mukha nya kaya nginitian ko na lang sya. Inabutan nya ako ng kalahati sa kanyang binubuhat.

" Saan nyo po ba dadalhin ang mga ito? " tanong ko.

" Sa Hardin Glaes " sagot nya at naglakad na kaya sumunod ako sa kanya.

Naalala ko ang kinuwento sa akin ni Aylin tungkol sa Hardin Glaes. Inihandog daw iyon ng dating Har na ama ni Har Kvasir sa yumaong asawa nya na si vaiti Loura. Dahil mahilig ang dating asawa ni Har Kasius na magtanim ng mga bulaklak kaya nang yumao ito, itinayo nya ang Hardin Glaes. Sobrang mahal talaga nya ang asawa nya kasi hanggang ngayon daw ay mahal na mahal pa rin nya ang asawa nya kahit wala na ito. Kaya nga daw laging wala sya sa palasyo o sa kanilang kastilyo kasi patuloy pa rin ito sa pagluluksa. Ano kaya sikreto ni vaiti Loura? Magamit nga para mapaibig ko ang anak nyang pinagkaitan ng saya sa katawan.

" Kayo po ba si Alere Romana? " tanong ko.

Alere ang tawag sa mga nakakatanda sa aming lahi. Nabanggit kasi ni Aylin na ang nangangasiwa sa hardin ay isang matandang babae na may kaliitan at maputi na ang karimahan sa hibla ng buhok kaya baka sya nga.

Call Me By My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon