I was in a sporting goods store, buying a mouth guard for my bae. I overheard two teen-age girls talking while checking out the Adidas shelf.
"Paano malalaman kung crush ka n'ya?"
"Pag nag-text."
Made me smile. Made me remember my own teen-age years. Walang text noon. Walang chance malaman kung crush ako ni Crush. Pakiramdaman na lang. Ilusyon na lang.
Out of stock ang mouth guard. I went home empty-handed but light-hearted. And without even thinking about it, I Googled: HOW TO TELL IF YOUR CRUSH HAS A CRUSH ON YOU TOO.
Medyo nahirapan si Google.
Then I was presented with articles about the topic, mostly from women's magazine. From those, I came across THE RULES.
And this novel was born.
Enjoy!
DEPRESSING ANG NEWSFEED:
Video ng most romantic proposal ever. Must watch!
Picture ng homeless na octogenarian. Must share!
Amory McCraig got engaged. Tanya and 46 others liked this.
Ila-like rin ba niya? Animo uod na gustong lumabas sa cocoon ang hinlalaki ni Bambi sa tapat ng 'like'. Kaibigan niya si Amory Macaraeg, since college. Hindi na sila madalas magkita pero nagkakausap sila sa Messenger. Walang dahilan para hindi niya 'gustuhin' o ikatuwa ang announcement ni Amory. Dapat pa siyang mag-comment, all caps with lots of emojis.
Iyon ang inaasahan ng lahat. That was the proper thing to do.
With a sigh, she tapped the screen of her tablet. Nag-type pa siya ng comment: OMG!!!! SO HAPPY FOR YOU!!! KILIG MUCH!!! KELAN ANG WEDDING???? ABAY AKO! ( bells, confetti, balloons, flowers, wine ).
Iyon ang kagandahan sa Facebook. One can pretend so easily. Now all she had to do was to take a selfie depicting a happy, productive life. Kailangan niyang ma-update ang kanyang status ASAP.
Dahil uulalin siya ng tanong, pasaring at pang-aasar sa post ni Amory--rason kung bakit hindi niya magawang ikatuwa completely ang engagement ng kaibigan.
Napag-iwanan na siya.
May mga kaibigan pa siyang nauna mag-asawa kay Amory, pictrures ng babies at toddlers na ang kalimitang pino-post. Sangkatutak na ang inaanak niya sa binyag. Kung kukunin siyang abay ni Amory, pang anim na beses na niya iyon.
Six times na abay! Ni minsan, hindi pa siya nakasalo ng bridal bouquet.
Iginala niya ang paningin sa paligid. Saan ba maganda magpakuha ng picture? Nasa ground floor ng mall ang puwesto nilang mga taga Tierra Grande Homes, tapat ng entrance sa department store. Ang dalawa niyang kasama ay nasa di-kalayuan, namimigay ng flyers. Siya ay nakaupo sa plastic chair, kaharap ang patas ng flyers sa ibabaw ng plastic ring coffee table. Sa kanan niya ang glass case na naglalaman ng scale model ng mga binebentang bahay.
Bawal maupo, sa totoo lang, at alam niyang mainit na siya sa mata ng dalawang kasama. Nakakangawit kaya tumayo lalo na kung wala namang ginagawa. Hindi rin niya gustong mamigay ng flyers at madedma ng mga tao. She felt degraded every time someone would brush her off.
Malakas ang loob niya magpaka-senyorita dahil kapatid naman niya ang broker. Iyon ang pinasok na career ng Ate Beverly niya na dating nurse sa Dubai.
Speaking of her ate, nag-text iyon: DI PA 'KO MAKAALIS, TAAS PA LAGNAT NI CADE DALHIN KO PEDIA. PAG DUMATING CLIENT SAMAHAN MO NA. MAY SASAKYAN DAW SILA,SAMA MO SI JESSA.