MAKAKATANGGI BA 'KO?" Pinandilatan ni Bambi si Amory. Medyo tumaba ang BFF niya pero blooming, parang walang kasing ligaya. "Isang kundisyon lang." Aniya. Nasa Starbucks sila sa Alabang Town Center. Doon sila nagkita at nagpasyang magkape na lang muna doon at mag-tsikahan. Maghahanap na lang sila ng ibang makakainan kapag nagutom.
"What?"
"Don't make me wear purple." Tatlo na ang purple gowns niya, lahat ginamit niyang pang-abay. Bakit gustong-gusto ng mga kakasalin ang purple???
"Uh, lavender?"
"Yun rin 'yon, eh!"
"Yun ang motif ko, eh. Please, na, sige na."
"Lavender talaga?" Ang daming kulay sa mundo, may primary colors, secondary colors? Bakit hindi....tangerine?
"Mas available daw 'yun sabi ng designer. Tsaka, gusto ko 'yun, eh."
"Ano ba 'ko? Candle, veil, cord--"
"Cord." Balewalang binuksan ni Amory ang case ng cell phone. Bambi didn't mind. Siya man ay panay rin ang check sa cell phone. Kahit pa sabihin na walang makaka-replace sa totoo--face to face--na conversation with friends and family, hindi rin naman maiitanggi na bahagi na ng buhay ang mga gadgets at Social Media. Busy na ang mga tao at sa Pilipinas, matrapik masyado. Kaysa masayang ang oras, gamitin na lang ang teknolohiya para makausap ang mga kailangang kausapin na hindi na umaalis ng bahay.
Biglang ipinakita sa kanya ni Amory ang cellphone nito "Someone posted on your wall."
Napamulagat si Bambi sa post: TOP 10 NAMES NG MGA BABAING PAASA. One to Ten, BAMBI.
Matapos magulantang saglit, natawa na siya, "Si Bernie." Aniya kay Amory. "'yung sabi ko, ikukwento ko sa 'yo."
"Bitter si Koya." Komento ni Amory, nag-high-five sila.
"May something 'yan." Aniya pero nag-comment siya sa patama ni Bernie: I'M SORRY.
Ikinuwento na niya kay Amory ang 'alamat' ni Bernie. Halfway through her tale, nagtanong na si BFF, "Sino si Dylan?"
Sumenyas siya ng 'saglit' at ipinakita ang mga pictures nI Dylan sa phone niya.
"Shit! No way! Noooo!" Sinundan pa iyon ni Amory ng maraming expletives, hinaltak ang buhok ni Bambi. "Where'd you find him????"
"There's a thing called 'tadhana'." Sagot niya.
Minura ulit siya ni Amory.
Ginantihan niya ito ng mura, "--ang ganda ko kaya?"
"Di nga? Kayo na?"
"Lapit na."
"Pa'no nangyari?"
"Alam mo, mainit na dito at nagugutom na 'ko." Nasa labas ang table nila at kahit may bubong naman, mainit pa rin. Kinaray niya palayo sa coffee shop ang kaibigan.
"Saan tayo kakain?" Tanong ni Amory.
"Dun sa extension, may masarap dun."
The restaurant was named after a person, ka-level ng Conti's sa ambience, sa menu at sa presyo. Hila-hila pa rin ni Bambi ang kaibigan pagpasok. Iginala lang niya saglit ang mga mata at kumaliwa na sila buhat sa pinto.
"Oh, my God." Bulalas ni Amory nang huminto sila sa corner table.
Tumayo ang sole occupant ng mesa, "Hi." Bati ni Dylan sa kanila.
Siniko ni Bambi ang BFF, "O, di ba? May masarap dito."
Tumawa si Dylan na walang duda, mas yummy pa sa kare-kare at crispy pata. Navy blue, V-neck pullover, slim dark jeans, itim na Doc Martens. His wavy hair seemed longer, framing and softening his otherwise angular face.
"Si Dylan." Aniya kay Amory.
"Hello." Inilahad ni Dylan kay Amory ang palad.
"He-Hello--shit ka, Bambi, kakasalin ako." Wika ni Amory habang kinakamayan pa si Dylan.
"Hindi naman para sa 'yo 'yan. Para sa 'kin 'yan." To ermphasize, kay Dylan siya tumabi pag-upo nila. Sa harap niya si Amory. Her friend could not help gawking at Dylan. Panaka-naka ay ibababa ni Amory ang menu at tutunganga sa lalaki, titingin sa kanya na nagsasabing, 'unbelievable!'
"Buti hindi ka na-traffic." Wika ni Bambi kay Dylan. Pagdating na pagdating niya kanina sa Starbucks, nag-text si Dylan. Papunta daw ito sa Alabang. Winking Smiley.
"Nag-MRT ako, mas mabilis. Tas, taxi na lang." Sagot ni Dylan.
Sa kalagitnaan ng pagkakape at pagtsitsikahan nila ni Amory, may na-receive ulit si Bambi na text message from Dylan. ATC na daw ito. Pinigil lang ni Bambi na magtitili at maglulundag.
Nang ayain na niya si Amory na kumain, iyon ay dahil may panibagong message si Dylan. He found a nice resto daw, at sinabi sa kanya kung saan iyon.
"Talino mo talaga." Siniko ni Bambi ang lalaki.
"I'm trying." Sagot nito.
Bambi could only grin. Gets agad ni Dylan ang ibig sabihin ng Status update niya kanina at wala itong alinlangan na sumugod kung saan siya matatagpuan.
"Si Frankie?" Tanong niya.
"Nasa Vet."
They laughed.
"I'm obviously the third wheel here." Maktol ni Amory.
"Isipin mo na lang, kakasalin ka." Ani Bambi.
"At sige lang, isipin n'yo na lang, wala ako dito."
But Dylan was not that kind of guy. And Bambi was not that kind of friend. Before long, they were talking and joking, nakalimutan na ni Amory na third wheel ito.
Thay had a great time.
Inihatid nila si Amory sa parking area. Bambi kissed and hugged her friend.
"Attend ka sa wedding ko, ha, Dylan." Bilin ni Amory sa lalaki."Sure. I'll be there." Nag-beso si Dylan sa pisngi ni Amory. Even held the car door open for her.
"So, where to?" Tanong ni Bambi nang maglakad na sila palayo sa kotse ni Amory.
"Gala-gala." Sagot ni Dylan.
Their shoulders brushed. Their hands touched. She looked at him, caught him looking at her. He looked away, grinning.
But he held her pinkie.
"Uh--ahhmm, may girlfriend na ba ako?" Tanong nito.
"Hinliliit pa lang ang hawak mo, uy."
Pinagsalikop nI Dylan ang mga kamay nila "What about now?"
"Maybe."
Huminto bigla si Dylan sa pedestrian lane pabalik sa loob ng mall, bumulong kay Bambi, "For the record, I'm really, really into you."
Tinanggap niya iyon ng walang reservations. Hindi na rin niya kailangang itanong kay Dylan kung bakit. Sinabi na ni Aling Amor sa kanya. She was lovable and adorable.
Kinindatan niya si Dylan.
He flashed his perfect teeth.
OMG. The guy could not stop grinning.
End