Untitled Part 14

4.4K 114 3
                                    


PATID NA ANG LITID NI BAMBI SA PAGPAPALIWANAG. MALAT NA RIN ITO. DAHIL simula nang dumating sila sa bahay ng mga ito sa Muntinlupa, hindi na ito tumigil sa pagsasalita habang animo robot ang mga magulang nito na iisa ang isinasagot: Hintayin mo ang ate mo.

Umpisa pa lang ang obvious na kay Dylan na pasok sa kaliwa-labas sa kanang teynga ang pakikinig ng mag-asawang Aling Amor at Mang Boy. The couple were just going through the motion and it was frustrating. Kaparis iyon ng panaginip kung saan hindi mo masabi ang gusto mong sabihin dahil wala kang boses.

Obvious rin na ang kapangyarihan at awtoridad sa pamilya ni Bambi ay ang ate nito. Hindi pala exaggerated ang mga kuwento ni Bambi nang nakaraang gabi at habang nasa biyahe sila pauwi sa mga ito.

Frustrated rin si Bambi. Also angry and hurt. Ilang beses nang nanginig ang boses nito, nangilid ang luha. Halata lang pinipigil. She didn't want to break down in front of him.

That went on for over an hour.

Finally, Big Sister arrived. Literally bigger and taller than Bambi. Big-boned. Angular. Even Dylan cringed at the sight of her. Kasama ni Beverly na pumasok sa salas ang boyfriend ni Bambi. Bernie was just as flustered but looking like a pet mouse a step behind the Alpha Female.

"Ikaw pala." Wika ni Beverly kay Dylan, hindi pasigaw pero halatang galit. Tumayo si Dylan para magbigay-galang, dinuro lang siya ni Beverly, "Umupo ka."

Naupo siya ulit. Truth be told, Beverly was stirring in him memories he'd long buried. Memories of early childhood spent in foster home and the streets. Ala-ala ng mga paninigaw at pananakit na dinanas niya. Ang dahilan kung bakit sa mahabang panahon, may problema siya sa mga authority figures. To him, they were repulsive.

He was feeling the same repulsion now. Malapit na malapit na siyang mapikon at natatakot siyang manaig ang emosyon niya at makalimutan na siya ang nararapat na magpakumbaba.

He wasn't aware of what he was doing at first, but when he finally felt Bambi's hand in his, he realized his hand sought hers. For comfort, for assurance, for....whatever. Pinisil niya ang kamay ni Bambi.

Pero binawi nito ang kamay sa kanya at nangalukipkip na lang. She even moved away from him.

That stunned him.

Being physically abused was the easy part. There were ways to avoid them. There were ways to get even afterwards. He learned to be sneaky. He learned to lie. He learned to manipulate.

Pero may isang bagay na mas masakit sa pisikal na abuso at sa bagay na iyon, wala siyang armas.

REJECTION.

"Saan kayo talaga nanggaling?" Tanong ni Beverly.

"La Union." Sagot ni Dylan. Pati siya ay nagulat sa kawalan ng emosyon sa tinig niya.

"La Union." May sarcasm na ulit ni Beverly. Umismid pa. "May hitsura ka, eh. Malamang nga, nauto mo ang kapatid ko na sumama sa 'yo."

Sumabat si Bambi, "Pero ate, hindi sa reason na iniisip n'yo." Sabay sumulyap rin ito kay Bernie. "Na-explain ko na kila Nanay, uulitin ko para sa 'yo. Nung malaman ni Dylan na ni-report mo s'ya sa mga pulis, napilitan lang s'ya na pumunta muna kami sa La Union dahil may napulot kaming baby, ate. Ayaw ni Dylan ipadala sa DS---"

"O, eh, bakit?" Patuya ang tono ni Beverly. "Yun ang tama, di ba? Nakapulot ka ng sanggol, i-surrender mo sa awtoridad. Bakit mo aangkinin? Bakit mo susuwayin ang batas?" Nilinga nito si Aling Amor, "Penge nga'ng tubig 'nay."

Tumalima ang ginang. Nagpatuloy si Beverly, "Tingin mo, Dylan, maniniwala ako na naawa ka sa sanggol? 'Yang itsura mong 'yan? Don't get me wrong, hindi ko sinasabing mukha kang masamang tao. Nahihirapan lang akong paniwalaan na ang isang lalaking sing-edad mo, may itsura, binata, kung saan-saan nakakapunta, maraming kaibigan, busy sa trabaho, busy sa social life, magkakaro'n ng panahon sa isang sanggol?"

Obvious na hinalukay na siya ni Beverly sa social media.

"Tingin mo--" wika pa nito, "maniniwala ako basta-basta na igi-give up mo ang lifestyle mo para sa isang bata na napulot mo?" Tinanggap nito ang baso ng tubig na ibinigay ni Aling Amor. Ininom hanggang kalahati. Ipinasa ulit ang baso sa ina.

"Naniniwala ako, ate." Sabat ulit ni Bambi.

"Hindi ikaw ang tinatanong ko. Natural, maniniwala ka. Uto-uto ka, eh."

Ramdam ni Dylan na tila lumubog si Bambi sa sofa. Nanliit.

"Pwes ako, hindi tanga. Hindi ako uto-uto at hindi ako ipinanganak kanina. Tatanugin lang kita Dylan--Mr. Sy. Balak mo ba--kahit katiting lang--may balak ka bang seryosohin ang kapatid ko? Pakakasalan mo ba si Bambi? Hindi ngayon. Sinasabi ko lang--tinatanong ko lang kung pumasok ba 'yon sa isip mo?"

"E, ate--" si Bambi.

"Wag kang sumabat." Saway ni Beverly. "Ayoko ng mahabang usapan. Tapusin natin ito ngayon. Mr. Sy, yes or no lang. May balak ka o wala? Sagutin mo 'yan at tapos ang usapan."

"Wala kaming relasyon ni Bambi." Sagot ni Dylan. "That means no."

Halata niyang natigalgal saglit si Beverly. But she was the Alpha Female, agad ring nakabawi. Taas-noo pa.

"Thank you for your honesty. Mr. Sy. Gaya ng sinabi ko, tapos na ang usapan. Pwede ka nang umalis."

Tumayo si Dylan at nagpaalam sa lahat, "Mauuna na po ako. Salamat po. Pasensya na po ulit sa abala."

panHPRt

Decoding His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon