ITIM NA HONDA ACCORD, HINDI BRAND NEW PERO SLEEK AT ELEGANT pa rin. Mabango ang loob, mukhang bagong hango sa detailing.
"Linis naman. Parang kailangan ko maghubad ng shoes." KOmento ni Bambi habang nakasilip sa interior ng kotse.
"Sumakay ka na." Utos ni Dylan, "Tanghali na."
Naupo si Bambi sa passenger seat, si Dylan ang nagtulak ng pinto pasara. Pasado alas-diez na ng umaga. Sumakay na rin ang lalaki, binuhay ang makina.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ni Bambi.
"Ilocos sana. Vigan. Kaso, hindi ka pwede ng mas maaga, hindi ka rin pwedeng gabihin. Subic na lang siguro."
"Okay." Meet-up with a client ulit ang paalam niya sa magulang, pati kay Bernie. Imbes na magpasundo siya kay Dylan sa kanila mismo, nagkita na lang sila sa parking lot ng MOA. Kinuha niya sa bag ang cellphone para i-check ang messages.
Tumingin sa likuran si Dylan habang paatras sila sa parking space, sabay sulyap rin kay Bambi, "Uy, bago." Bati nito sa kandong niyang bag.
"Halata?" Aniya. Ite-text pa ba niya si Bernie? Alam naman niyon na umalis na siya kanina pa, nagpaalam na siya.
"Nangangamoy pa." Wika ni Dylan, hinawakan bigla ang cellphone ni Bambi, hagip pati kamay niya, "Bawal mag-cellphone."
"Ha?"
"That's in the rules."
"Wala, ah."
"Give the guy your full attention when you're with him. Turn that off."
"Wala akong nabasang ganyan."
"It's somewhere between the lines."
"Bawal rin makinig ng music?" Obviously. Isinalpak na niya sa bag ag cell phone, "Kailangan pa ba nating ituloy 'tong experiment na 'to? Seryoso ka? Para kasing---kalokohan lang."
"I gave my word to Rox."
"Imbentuhin mo na lang ang findings. Kasi naman, alam mo ang Rules, alam mo rin na ginagamit sa 'yo, paano magiging accurate ang resulta?"
"Sinabi ko na rin 'yan sa kanya pero, kung talagang effective raw ang Rules, tatalaban ako."
"Ewan ko sa inyo." Hindi siya honor noong nag-aaral siya pero hindi rin naman siya eng-eng para hindi makitang taliwas sa mga scientific methods ang pamamaraan nina Dylan at Roxanne.
Pero aminado rin si Bambi na interesting ang experiment. Ang true love ba ay dinadala lang talaga ang TADHANA o pwedeng PWERSAHIN? Fate or Will? If there's a will there's a way, ubra ba iyon sa true love?
"Dapat hindi mo alam tapos kumuha na lang si Roxanne ng babae na mang-aakit sa 'yo gamit ang Rules na 'yan." Hirit pa niya.
"Alam mo, subukan na lang natin at nang matapos na."
"E, kaso nga ang dali naman magsinungaling sa resulta. Pa'no kung effective naman pala talaga tapos ayaw mo lang aminin?" Pumijit siya sa upuan para medyo nakaharap na siya kay Dylan, "At isipin mo na lang, kung ma-in love ka sa 'kin, eh, may boyfriend na 'ko?"
"Sino bang me sabi na magboyfriend ka?"
"Wala. Desisyon ko 'yun."
"Okay. But just play along and--just look at the trees, not the forest."
![](https://img.wattpad.com/cover/63259821-288-k657192.jpg)