'TAY, maganda ba 'ko?" Tanong nI Bambi sa ama. Magkatabi sila sa sofa, nanonood sila ng TV Patrol.
"Oo, naman."
"Di nga?"
"Anak kita, kamukha kita, pag sinabi kong pangit ka, de pangit din ako?"
"De bagay ako sa pogi?"
"Lumalandi ka nang lintik ka."
Hagalpak si Bambi, "Malapit na 'kong magka-jowa ng pogi, 'tay."
"Isa-isa lang ang jowa." Sagot ni Ka Idro.
Hinaltak niya ang manggas ng T-shirt ng ama, "Hindi n'yo pa kinausap si Bernie?! Hindi n'yo pa sinabing break na kami?!" Tatay na niya ang inutusan niyang makipag-break sa lalaking makulit.
"Wala daw dun kina kapitan, eh."
"Puntahan n'yo ulit ngayon. Seloso ang pogi, 'tay!"
"Pagkatapos ng balita!"
CHAPTER TWELVE
HINDI MATANGGAL ANG NGITI NI BAMBI HABANG HAWAK ANG TABLET COMPUTER. Nag-post siya ng selfie kasama ang kanyang nanay at tatay. Pa-cute rin si Aling Amor, sa kung saan naman nakatingin si Ka Idro.
NANAY, TATAY, GOD GAVE ME YOU BECAUSE ONLY YOU CAN DO THE JOB OF RAISING ME.
Within seconds of posting, somebody she liked a lot reacted.
DylanSy gave her a heart.
Ibig sabihin, naka-antabay iyon sa Fb at malamang sinet ang newsfeed para posts niya ang unang makita.
Ha-ha! Hanggang kabilang buhay na siguro ang ngiti niya.
"Hmmm. Now what to do?" Kung susundin niya ang Rules, dedma si Dylan. But she was past caring about The Rules. Why dedma the guy she wanted a relationship with?
Nag-comment siya: COMMENT REQUIRED.
Dylan replied: SPEECHLESS
"Use emojis." Aniya habang tina-type rin iyon. Then, Done. POSTED.
Wait for.....dumating ang emojis galling kay Dylan. Tatlong laughing faces. Tatlong puso. A couple. Two wine bottles. Plates of chicken, pizza, cake. A car.
I'LL THINK ABOUT IT, sagot niya. May dumating na notification para sa Messenger. Tinap niya iyon.
AMORY McCraig: ON D WAY NA 'KO, SEE YOU! I MISS YOU!
Sinagot niya: ME TOO.
Matapos iyon maipadala sa kaibigan ay nag-status update muli siya: CAN'T WAIT TO SEE MY BFF. Tinag niya si Amory at isinama sa post ang lugar kung saan sila magkikita. A no-no para sa mga paranoid, pero Yes-Yes para sa mga in-love. isinilid na muna niya sa bag ang tablet, "Nay, alis na 'ko!"
Muffled pero may konting echo ang sagot ni Aling Amor, nasa loob iyon ng banyo, "Lapat mo ang gate!"