PARANG slide show ng mga pictures ang buong eksena sa paningin ni Bambi. Si Dylan, tumayo.... si Dylan, humakbang patungo sa pinto....likod na lang ni Dylan...pinto na lang.
Biglang nanuot sa teynga niya ang boses ni Beverly, "Ganyan talaga. Ayaw sa 'yo, eh."
Napamata si Bambi sa kapatid.
"Tanggapin mo na lang." Wika pa nito. Tumawa pa, "Ambisyosa ka rin naman talaga. Hindi naman kita masisi. Guwapo talaga. Kaso mo, malabo talagang magustuhan ka nun. Move on ka nalang, Bambs. Move on na lang tayong lahat."
"Bakit hindi n'ya ako magugustuhan, ate?" Hamon ni Bambi sa kapatid. "Sa tingin mo, bakit?"
"E---ganyan ka lang, eh. Kumpara mo dun kay Dylan ang sarili mo."
Biglang sumabat ang kanilang nanay, "Beverly, anak, hindi sa nanghihimasok ako sa desisyon mo, pero hindi ako naniniwala na walang karapatan ang kapatid mo na magustuhan ng isang lalaki, kahit kagaya pa ng Dylan na 'yon."
"Nay, maging realistic ho tayo. Si Dylan, hindi lang mayaman ang pamilya. S'ya mismo, malaki na ang na-accomplish sa buhay. Hindi ho 'yun pipitsuging lalaki."
"At ang para kay Bambi, 'yun lang mga pipitsugin? Dahil ba ang kapatid mo, natali na lang dito sa bahay? Na hanggang ngayon, sinusuportahan mo? Tinanong mo ba ang sarili mo, anak, bakit nagkaganoon? Ako, bilang ina n'yo, aminado sa pagkukulang ko kay Bambi. Kailan ba natin s'ya pinayagan na magawa ang mga gusto n'ya?"
Pinahid ni Bambi ang luha, "nay ,okay lang naman po."
Tinabihan siya nI Aling Amor, "Hindi, anak. Matagal ko nang iniisip ito., Matagal na naming pinag-uusapan ng tatay mo. Nung malaman ko kahapon na may kasama kang lalaki ay ayaw mong sabihin kung nasaan kayo, nag-alala ako pero alam ko, ako rin ang dapat sisihin bakit ka nagpadalus-dalos ng ganoon.
"Hindi dahil sa gusto mo nang mag-asawa, hindi dahil gusto mong magwala. Hindi ka ganoon, anak. Kilala kita. Alam ko, gusto mo lang mag-desisyon para sa sarili mo...na subukan kung kaya mong makuha ang isang bagay na gusto mo Dahil hindi man namin sinasadya, 'yun ang hindi namin naibigay sa 'yo." Tumingin ito kay Beverly, "Alam kong mahal mo ang kapatid mo, Beverly. Alam kong kung maari lang ibigay mo kay Bambi ang lahat, gagawin mo. Mabuti ang intensyon mo, pero nakalimutan natin, may sariling buhay si Bambi. Suportahan na lang natin s'ya ngayon sa gusto n'ya."
"Ano pa ba ang ginagawa ko 'nay?" Angil ni Beverly.
"Nagdedesisyon ka na naman para sa kanya." Sagot ni Aling Amor.
"A-Ano'ng desisyon ho?" Medyo mataas at gigil na ang boses ni Beverly.
"'Yung sinabi mo kanina. Kalimutan na n'ya 'yong si Dylan. Ikaw ba ang magdedesisyon nun? Hindi ba dapat ang kapatid mo dahil buhay n'ya ito?"
"Ano ang sinasabi n'yo?" Namula ang buong mukha ni Beverly, "Payagan kong maghabol si Bambi sa lalaki na narinig n'yo naman ang sinabi? Walang aasahan sa kanya ang anak n'yo!"
At sa lahat ng palitang iyon, nakamasid at nakikinig si Bernie.
"Excuse ho--saglit lang 'nay." Tumayo si Bambi. "Bernie, halika muna." Niyaya niya sa labas ng bahay ang lalaki. "Pasensya ka na sa mga nangyari, ha." Aniya , sa may gate sila tumigil.
"Pumayag ka na maging tayo na, Bambi. Pero sumama ka pa sa ibang lalaki."
"Yun na nga. Sorry. Napabigla ako. Akala ko, 'yun rin ang gusto ko."
"Nakikipag-break ka sa 'kin?"
Hindi pa ba obvious?
"Sana." Sagot niya.
"Pag-iisipan ko." Sagot nI Bernie, binuksan ang gate at lumabas.
Tigalgal si Bambi. Kung hindi pa niya naramdaman si Aling Amor na lumabas ng bahay, mananatili pa siyang tulala dahil kay Bernie.
"Anak--" lumapit sa kanya ang ina, "Sana ay makatulong ang sasabihin ko sa 'yo."
"Ano ho 'yun?" Pero sa mga sinabi na nito kanina, malaking-malaking tulong na ang nakuha niya. At napatunayan niya, hindi pagkakamali, hindi niya dapat pagsisihan ang mga panahon na ginugol niya sa pag-aalaga, sa pagiging kaibigan, nurse, utusan at lahat-lahat na ng kanyang magulang.
"Maski sino pang lalaki anak, maski president pa 'yan ng buong mundo, swerte s'ya sa 'yo. Alam ko ang halaga mo. Huwag kang maniwala na hindi ka kayang pahalagahan ng lalaking gusto mo."
"Paano ho kung ayaw talaga 'nay? Masama namang pilitin at hindi ko rin ho feel maghabol."
"Hindi masama sumubok. Kung bigo, de natuto ka. E, paano kung nagtagumpay ka?"
"Kala ko si Bernie ang gusto n'yo for me?"
"Mas pogi si Dylan, anak. Mas maganda ang lahi." Tatawa-tawa si Aling Amor.
Napayakap na si Bambi sa ina. Her mother really is her BFF!
"Pero totoo ho, 'nay, wala hong nangyari sa 'min ni Dylan. Hindi nga ho yata ako type. "
"Alam ko naman virgin ka pa."
"Ows? Sure kayo?"
"Nagbabago ang lakad ng babae pag--ano na."
"Ow? Di nga ho?"
"Oo, nahahalata 'yun sa paglalakad. Noong panahon namin, yun ang tinitingnan ng lola namin pag alam na may mga kasama kaming lalaki sa mga lakad namin noon."
"Paano ho'ng lakad? Bukaka na?" Tumawa siya.
"Hindi naman. Basta, sa galaw ng balakang, sa palo ng paa. Basta, expert dun ang lola namin. Sa isang tingin nga lang, alam na nun kung buntis ka o hindi."
"Pinapayagan n'yo ako na lumadi kay Dylan?"
"Basta kung sigurado ka nang pananagutan ka n'ya, e--sige na."
"Kunsintidora ka na?"
"May tiwala ako sa 'yo, Bambi. Alam mo ang tama, alam mo ang mali."
"Minsan ho, hindi." Amin niya. "E, teka 'nay, gustuhin ko man ho subukan ang kapalaran ko kay Dylan, hindi ko na alam kung paano dahil sa totoo lang, wala na hong dahilan para tawagan ko pa s'ya halimbawa."
"Gumawa ka ng dahilan."
"Ho?" Nangunot ang noo niya. Ano ang ipinahihiwatig ng kanyang nanay at tila may nalalaman ito na hindi niya nalalaman?
"Ang aming lola, tinuruan din n'ya kami kung paano makakabingwit ng asawa."
"MP+
![](https://img.wattpad.com/cover/63259821-288-k657192.jpg)