Untitled Part 18

2.9K 93 5
                                        


ALAS-siete dumating si Dylan, dala ang karwahe. Malinis na malinis. Makintab na makintab. Halatang pina-carwash muna. Iyon ba ang katumbas ng 'libreng n'yog'?

"Sana hindi mo na pinalinis, ako na lang bukas pag soli ko." Aniya pagbaba ni Dylan ng kotse matapos iyong igarahe sa bakuran nila, sa likod ng jeep ng kanyang tatay.

"Okay lang. Ahhm, saan mo ba gagamitin? I mean, saan ang lakad mo?"

"Ahhhmm, sa Tagaytay. Hindi pa kasi ako kinakausap ng ate ko, nahiya ako sa kanya manghiram. Ayoko naman na itong jeep ang gamitin, nakakahiya sa client ko, matanda na ang asawang British, maselan daw." Medyo umatras siya ng konte dahil masyado na naman siyang nakadikit kay Dylan. Para kasing magnet. White t-shirt, ripped jeans at boat shoes lang ang suot pero, fantastic baby!

"Mmm, sino magda-drive?" Tanong ni Dylan.

Bago pa nakasagot si Bambi, may sumabat na sa likuran niya--sa pintuan nila.

"Ako na lang." Wika ni Bernie.

OO, nga pala! Ngiwi si Bambi. Nang marinig niya ang busina nI Dylan, para siyag na-eject sa kinauupuan, agad lumabas at nakalimutan nang bisita niya si Bernie kanina pang alas-sais!

"Ah." Tila gulantang si Dylan. "Okay." Ibinigay nito ang susi kay Bernie , kasama na ang kaunting instruction tungkol sa kotse. Pagkatapos, humarap ulit kay Bambi, "Uuna na 'ko. Text mo na lang ako pag nakabalik na kayo."

"O-Oo. S-Salamat."

Tumango lang si Dylan at lumabas na ng gate.

"Dylan!" Habol ni Bambi. Lumingon ang lalaki. "Ano--k-kumusta pala si Frankie?"

Napangiti naman ito, "Tumataba na. Malikot na rin."

"Ah, buti naman. Good luck. Tsaka--salamat ulit, ha."

"No problem." Tumalikod na ulit ito at naglakad palayo. Nakasuksok ang mga kamay sa bulsa.

Kung kaharap niya ito at ganoon ang porma, senyales daw na interesado sa kanya dahil dinadala ang paningin niya sa 'asset' nito.

ASSET. Naalala na naman niya ang nangyari sa bahay ni Doc Martin. Nahawakan na niya! Makakawala pa ba?

Nilingon niya si Bernie. Mukha itong halimaw sa paningin niya. Para kasing...nananadya.

BAMBI borrowing his car did not make sense at all.

Pero ipinahiram pa rin niya. Dinala pa niya sa bahay nito.

Because he was hoping he could also drive her to wherever she planned to go.

Pero lumalabas, hindi pa rin gini-give-up ni Bambi ang boyfriend. Mukhang kanina pa kina Bambi ang lalaki.

At heto siya ngayon, magko-commute. Sa trapik. At least kung nasa sarili siyang sasakyan, hindi siya maiinitan at masisiksik. Makakapag-sounds pa siya ng gusto niyang sounds, hindi sounds ng tsuper ng jeepney.

Dayang-dayang...aaayiiii-..aayiii..

Bad trip si Dylan.

Alas-diez na ng gabi siya nakarating sa condo. Nanlalagkit. Nanlalambot. Gutom.

Langit ang pamilyar na amoy at ambience ng kanyang unit.

Langit na may mga anghel.

"Ayan na si Daddy!" Excited na tili ni Grace, karga-karga si Frankie. Naroroon rin ang mga kaibigan ni Grace, sina Tin-Tin at Margie. Pawang naka-shorts ang tatlo.

Sumilip buhat sa silid niya si Roxanne, "Nanawagan ako ng yaya, ayan. Tatlo." Anito.

"Thanks, guys." Ani Dylan sa tatlong anghel. Sa marathon event rin niya nakilala. Avid runner sina Grace at makikita iyon sa legs ng mga ito. Very nice.

"O, family picture na!" Wika ni Roxanne.

Hinaltak ni Tin-Tin paupo sa sofa si Dylan, sumunod sina Grace at Margie.

"Ako ang legal wife!" Taas ang kamay ni Margie.

"Sige na nga. Second wife ako." Si Grace.

"Pretty wife ako!" Si Tin-Tin.

Decoding His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon