Untitled Part 16

2.9K 90 3
                                        


HINDI KO NAMAN INAASAHAN ANG NANGYARI PERO HINDI KO PWEDENG ibigay na lang kung kanino si Frankie. I'm really sorry, Rox, but your little experiment has to wait."

"It's not a little experiment." Napasimangot si Roxanne.

"I know. Sorry." Sabay silang lumabas ni Roxanne sa elevator. Yumuko si Dylan upang kunin sa stroller si Baby Frankie. "Carry that." Utos niya kay Roxy. Sumunod naman ito, ni-release ang latch ng stroller, natiklop iyon. May isa pang flight ng hagdan bago ang roof deck kung saan may hardin. Mahalaga raw maarawan sa umaga ang sanggol sabi ng pediatrician. Perfect spot para doon ang roof deck.

Malaki na ang improvement ng sanggol ilang araw pa lang sa poder niya at proud doon si Dylan. Halos wala na itong rashes, mayroon nang lakas at sigla--malakas na umiyak, at tila tumambok na ang pisngi.

Ibinukas ulit ni Roxanne ang stroller pagdating nila sa hardin. Naghanap sila ng spot na hindi naman dederetso ang sunlight kay Frankie. Inilagak ulit ni Dylan sa stroller ang paslit. "Okay ba, bro?" Aniya dito. Para namang nakakaintindi ang sanggol, nanlaki ang mga mata, bahagyang ngumiti.

"You should get a yaya." Komento ni Roxanne.

"I know." Habang nag-i-improve ang kalusugan nI Frankie, dumadami rin ang likot at ligalig. Hindi siya makapag-concentrate sa trabaho, hindi rin siya makalabas kasama ang mga kaibigan.

Thrilled at sang-ayon sa ginawa niya si Mama Alice, her foster mother, pero may Parkinson's iyon, hindi niya pwedeng pag-alagain sa sanggol. Ang panganay niyang ate naman ang nangangasiwa sa negosyo ngayon. Iyon pangalawa ay nasa Singapore. Talagang walang ibang mag-aalaga kay Frankie kung hindi si Dylan.

"Tulungan mo 'ko maghanap. 'Yung matino."

"I'll spread the word." Naupo sa teak bench si Roxanne, "Can you at least give me an idea kung alin dun sa mga rules ang sa tingin mo, effective?"

"How would I know? We haven't even started when Frankie came along."

"But you were stalking her already."

"I wasn't." Tanggi niya. Hindi umimik si Roxanne. Dylan felt he had to elaborate, "I just wanted to know if the boyfriend is for real, so I followed her."

Isinahod ni Roxanne ang kamay, "Give me your phone."

Kinuha niya iyon sa bulsa, isinalpak sa palad ng babae. Maski password niya, alam nito kaya saglit lang ay nasa Fb niya, ipinakita sa kanya ang 'recent searches'.

"See?" Anito. Nangunguna sa listahan si BambinaCarlos.

"That was when you told me I had to meet up with her." Depensa niya.

"Okay." Nagkibit-balikat lang si Roxanne at naisipan na lang kunan ng picture si Frankie.

Kasabwat na nI Dylan ang buong pamilya niya na palabasing anak ng maid nila ang sanggol at iniwan na sa kanila, hindi na nila alam kung nasaan. May kinausap na siyang abogado para maampon ng legal ang bata. It was a HUGE responsibility but, sure, he'd take it.

"She wants to borrow your car." Wika ni Roxanne, walang anu-ano.

"My what? Who?"

"Bambi." Ipinasa ni Rox sa kanya ang cell phone.

Decoding His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon