BALIK SI BAMBI SA JAPANESE RESTAURANT KUNG SAAN SILA UNANG NAG-LUNCH NI Dylan. Pero this time, hindi siya nakapula. Just ripped jeans, white shirt, sandals. Wala rin siyang lipstick at mascara. Her hair was clipped labandera style.
"Hiyang-hiya naman ang outfit ko sa 'yo." Komento niya nang dumating si Dylan. Casual pa rin naman ang suot nito. Kaso, James Bond casual. Short sleeves na polong puti, brown pants na mukhang tinahi para lang talaga kay Dylan. Saktong-sakto. Hindi pa rin nagpapagupit pero nag-gel at nakapatas ng maayos ang buhok. Mukhang kapatid ng Canadian PM.
In other words, Dylan looked elegant.
Crush pa rin niya ang tinamaan ng magaling. Pero....may boyfriend na siya kaya kalmado lang siya. At speaking of boyfriend, her cell phone let out a single ping. Sumagot pa rin si Bernie sa sagot niya sa text nito, wala pag five minutes ago.
<DUMATING NA CLIENT MO?>
Nag-type siya ng sagot habang papaupo si Dylan. Same table as the last time ang inokupa niya. Nang makita niyang bakante pagdating niya, automatic siyang doon pumuwesto.
<YEAH. FINALLY. WISH ME LUCK.>
Sent.
"Order ka na." Aniya kay Dylan dahil nilapitan na sila ng waiter.
Kinuha nI Dylan ang menu, binasa...sinuri. At umorder ng kaparis ng mga inorder nito noong una.
Nag-reply na naman si Bernie, GOOD LUCK. WAT TYM KA MAKAKAUWI?
E, 'di sagutin, SAGLIT LANG 'TO. B4 3, JAN NA KO.
Umubo si Dylan. Ehem. Ehem.
Ibinaba nI Bambi sa mesa ang cell phone, "Ano? Usap na tayo."
"Okay." He leaned forward on the table. Pero nagbago yata ang isip, biglang tumuwid ng upo, "We have an--"
Ping!
Binasa ni Bambi ang text message: SUNDUIN NA LANG KITA DYAN. 2PM?
Wala agad siyang maisip na reply. Okay lang kaya na malaman ni Bernie na lalaki ang 'client' niya? Sinadya niyang hindi iyon banggitin kay Bernie dahil feeling niya, magseselos iyon.
On the other hand...
"Paano tayo mag-uusap, daming commercial." Wika ni Dylan.
"Basta magsalita ka d'yan, nakikinig ako." Nasaan na ba ang line of thoughts niya. Ah! On the other hand, kailangan masanay rin si Bernie na may mga clients talaga siyang lalaki. Isa pa, kung susunduin siya doon ni Bernie, hindi na siya pagbibintangan ni Dylan na 'fake' ang boyfriend niya.
Nagsalita nga si Dylan kahit nagta-type pa ng reply si Bambi.
"We have an agreement. You agreed to...ahhmm..sabihin na nating..you agreed to play this game. I expect you to be an active participant. Saan ka naman nakakita ng boxing match na nakatayo lang sa gitna ng ring ang magkalaban?"
"Boxing pala ito. Di mo sinabi." Message sent.
"Don't be a smart-ass, Bambi." Wika nI Dylan, tinapunan ng asar na tingin ang cellphone ni Bambi. "You haven't done anything yet. Maliban na lang kung..getting yourself a boyfriend is just a way to get me jealous."
"Hindi, ah! Excuse me." Inirapan niya ang lalaki. "Nagkataon lang na pareho kami ni Bernie ng gusto--ng takbo ng isip." Siya naman ang dumukwang sa mesa, "Susunduin n'ya 'ko dito. 'papakilala ko s'ya sa 'yo."
![](https://img.wattpad.com/cover/63259821-288-k657192.jpg)