GRABE NAMAN 'TO. PATI NILULUMOT MONG POST, NI-LIKE. HINALUKAY TALAGA." Komento ni Roxanne, nakadapa ito sa kama nI Dylan, hawak ang cell phone niya. Gaya ng nakagawian, dumating ito sa condo niya na unannounced, deretso sa silid/office niya matapos niyang pagbuksan.
"Tantanan mo 'yang phone ko." Saway ni Dylan, subsob siya sa trabaho sa desk niya, his back to the bed. You're supposed to be in the gym." May katabaan si Roxy. Dylan was forever trying to ger her into physical fitness. For health reasons.
"Later." Sagot nito. "I need your help, handsome cuz."
"I'm surprised." Sarcastic niyang sagot. Lagi namang kailangan ni Roxanne ang tulong niya.
"I'm doing an experiment---social experiment. You're perfect for this, Dylan." Wika ni Roxanne, "Because you're guwapo and single and successful. You are very much qualified to test the rules."
Ramdam ni Dylan na kumilos sa kama si Roxanne--sa laki ba naman nito.
"Rules ng ano?"
"The Rules." Idiniin ni Roxane ang 'THE'.
"Ng ano nga?" Napilitan na siyang lingunin si Roxanne. Nakatihaya na ito pero nakataas at magka-krus ang mga hita, kumukuyakoy. At east, exercise na rin iyon, sa loob-loob niya. Hawak pa rin ang cellphone niya, tila nagta-type, "Ano na naman 'yan, oy?" Self-proclaimed admin na rin ito ng mga social media accounts niya. Kaya kadalasan, nasisindak na lang siya sa mga posts niya na si Roxy ang nag-post. Isa doon ay iyong picture niya sa hotel sa Japan, tuwalya lang ang suot niya dahil magsa-shower siya. Si Roxy ang kumuha ng larawan. Pagpasok na pagpasok pala niya ng banyo, pinakawalan nito sa cyberspace ang hubad niyang larawan. Makikita sa bintana sa bandang likuran ang snow sa labas.
Ang caption: THE ABDOMENable SNOWMAN: TIIS-LAMIG.
Roxanne was so amused that the picture earned him close to a thousand likes, a lot of ladies commented and it was shared seven times. The ladies loved his ABS. Ikinatuwa rin naman iyon ni Dylan, pero wala siyang balak maulit pa ang pagbubuyangyang ng katawan sa social media. Binawalan na niya si Roxanne.
"The Rules." Wika nito, her thumb flickering across the phone's screen, "For capturing the heart of Mr. Right. It's a book, actually."
"May rules?!"
"Uh-huh. For women like me. The book was a bestseller. Lots of women swear by it. A movie was made based on it. May mga nagsasabi rin na hindi naman tama ang mga rules. I want to try them. Pero gusto ko munang malaman kung effective." Bigla itong tumingin kay Dylan, "And I need your help."
Kung may babae raw na ia-apply sa kanya lahat ng rules sa The Rules, would he eventually fell for that woman? Or would he not?
"Now I'm a guinea pig." Aniya.
"It's gonna be fun, believe me."
"But I can't speak for all the other men out there. What works for them might not work for me and vice versa." Hindi lang niya madereretsa ang pinsan na kalokohan ang panukala nito. Sensitive si Roxy, insecure. Mas kailangan ang encouragement --something he could relate to when he was her age.
"Kung tatalab sa 'yo, may chance na tumalab rin sa iba. You're not an easy man to manipulate. Please?" Nagsumamo ang mga mata ni Roxy. Kahit mataba ito, maamo naman ang mukha. Tsinita. Matangos at maliit ang ilong, mapula at makipot ang labi. Laging rosy cheeks dahil may hika.
"I'll think about it." Iyon ang pinaka-safe na sagot na naisip niya.
"You owe me."
Owwww-kay.