chapter two

6.1K 56 1
                                    


HATINGGABI NA NANG MAKAIPON SI BAMBI NG RESOLVE AT LAKAS NG LOOB NA magpadala ng friend request kay Dylan. At hindi na lang talaga niya matiis ang kuryosidad sa lalaki.

Bagamat malakas naman ang loob niya mag-add at mag-follow sa mga nakikilalang lalaki--her motto being, 'every guy is a probable boyfie until proven otherwise'-- pinanghinaan siya ng loob kay Dylan Sy dahil hindi niya inaasahan ang nakita nang lumitaw ito sa Fb search.

Maghapon niyang kasama si Dylan. Ininterview niya ng katakot-takot. Ang lakas ng loob niya.

Q: Sa'n ka nag-college? Ano course mo?

A: Com. Sci. Undergrad ako.

Feeling superior na siya that time. Kayang-kaya niya si Dylan, dahil, hello, college grad siya, undergrad ito. She had the edge.

Q: Ilan kayo magkakapatid?

A: Tatlo. Bunso ako.

Ikinatuwa rin niya iyon. Magkakaintindihan sila. Parehas silang bunso.

Nadagdagan ang chance niya na matipuhan ni Dylan. Kailangan lang niyang maging thoughtful at attentive pero iwasang maging bossy dahil hate na hate ng mga bunso ang pinangungunahan at inuutusan. Iyon kasi ang role nila sa pamilya. Utusan.

Dahil doon, mas lumakas ang apog niya. Tahasan na niyang tinanong ang lalaki, "May girlfriend ka?" Nasa salas sila noon ng model house habang sina Jessa at Rusty ay ineeksamin ang loft.

Tumawa muna si Dylan. Totoo sigurong naaliw ito sa tanong niya dahil naningkit ang mga mata, ang laki ng buka ng bibig, "Wala." Nakaupo ito sa sofa. He even hiked his jogger pants upwards like he was a bit uncomfortable and embarrassed.

And Bambi remembered gawking at those long, lean legs of his. Dylan was a demigod. Period.

Bahagya itong nakatungo pero nagtaas ng tingin sa kanya, tila nangingiti pati mga mata, "May tanong ka pa?"

"Uh." Umid na ang dila niya. Mabuti na lang at bumaba na sina Jessa.

Nang makuntento si Rusty sa ocular inspection, tumulak na sila patungo sa Batangas. At some point, nagyaya si Rusty na kumain. Tuwang-tuwa sila ni Jessa. More time with Dylan.

Pero totoong lumilipad ang oras when one's having so much fun. Sa sobrang bilis ng oras, blurred na kay Bambi ang mga nangyari. Ang malinaw lang sa isip niya ay ang itsura ni Dylan Sy. His face, his built, his smile and laughter.

Pagdating niya sa bahay, deretso siya sa kanyang silid at idineklara: I AM IN LOVE!

Sinimulan niya ang pang-i-stalk.

At nanlumo.

Dahil lahat ng inisip niya tungkol sa lalaki, mali.

Dylan Sy was not a bum. He owned a web design company. Kung wala sa harap ng computer, he was into all sorts of things--cycling, surfing, mountain climbing, partying..yeah, lots of those. Kaya mas marami itong Fb friends at followers kaysa kanya. At hindi mga ordinaryong tao ang mga 'friends'. May ilang celebrities, kilalang athletes, mga fellow businessmen, may bankers , financial analyst.

At masabi niyang popular ang lalaki dahil kahit hindi naman artista, nakakakuha ng minimum 200 likes. E, samantalang siya, hirap na hirap umabot sa trenta ang 'likes', konte pa ang nagko-comment.

At obviously, hindi magagawa ni Dylan ang mga pinagkaka-abalahan kung wala itong pera. He travels a lot, sa loob at labas ng bansa. Mayaman. Malakas ang raket, meaning....he was successful. Sa edad lang na thirty-one.

Decoding His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon