HA-HAIII, Bernie!" Sagot ni Bambi sa caller nang mahagip ang cell phone. Ang bilis ng tahip ng dibdib niya. Hindi dahil tinatawagan siya ng boyfriend niya. Hindi rin dahil nataranta siya sa paghahagilap ng cell phone.
Si Dylan ang dahilan ng pagta-tumbling ng puso niya. Ano ang ginawa niya? Bakit siya nakahawak sa....nakupoo!
"Nandito kami sa Tarlac, hindi naming mahanap 'yung---Bambi? Nakikinig ka ba?"
"H-o--oo--" hinga. Hinga. Hinga pa more. Dylan's bulge was so huge! How come????
"Bakit hinihingal ka?" May halong duda ang concern ni Bernie.
"H-Ha? H-Hindi. M-Mainit lang--" tama. Mainit. May diprensya ang aircon ni Doc Martin.
"Nasaan ka talaga? Kanina pa kami paikot-ikot dito sa Paniqui!" Galit na si Bernie, halatang nagpipigil magtaas ng boses pero bigo. "Ano'ng ginagawa n'yo ng lalaking 'yan?"
Hindi niya nagustuhan ang huling pangungusap, "E, umuwi na kasi kayo! Uuwi na 'ko mamaya! Babay! Choppy ka!"
Naglalakad na si Dylan palabas ng silid. Hindi naman pilay. Hindi naman umiika. Para lang hirap maglakad. Nang tuluyan na itong makalabas ng silid, na-realize na lang nI Bambi, she was grinning.
Shesh, I'm soooo bad.
Kung hindi lang nanulasok na muli sa ilong niya ang 'bomba' ni Frankie, baka tumili pa siya ng impit na impit.
Nirolyo niya ang maruming diaper, ineksamin ang sanggol. Hindi pa masyadong malinis. Pinunasan niya ng maayos ang pwet nito at singit at genitals...naalala na naman niya si Dylan.
Nakatawa sa kanya si Baby Frankie.
"Loko ka." Bungisngis niya. "Ano ginawa ko dun, ha? Nakita mo ba?" sinalpakan niya ng bagong diaper ang baby. "Mukhang lumusog ka na agad , ha. Hiyang ka sa mamahaling gatas. Sleep ka na ulit. Dodo ka ulit? Where's the dodo ng cow?"
Nasa sahig, medyo amoy panis na ang feeding bottle. Shit. Pwede kayang hindi na pakuluan, hugasan na lang?
"D'yan ka muna, Frankiko, ha. Do not cry. Do not jump. I'll be back."
Nakita niya sa salas si Dylan paglabas, nakaupo sa dilim, mukhang binagsakan ng solar system.
Ano ang sasabihin niya? Ano ang gagawin niya? Galit ba ito sa kanya?
Tumuloy na lang muna siya sa kusina pero pakiramdam niya, nakasunod sa kanya ang mga mata ni Dylan kaya parang may kumikiliti sa likod niya.
Hinugasan niya nang hinugasan ang kaisa-isang feeding bottle ni Frankie. Yeah, they did not have to common sense to buy a few more.
What can we do, first time parents, eh.
Tinimplahan niya ng gatas ang bote at binalikan ang sanggol. Nakahikbi na si Frankie, nagsisimula nang mapaiyak.
"Why naman? Sabi ko babalik ako, di ba?" Isinubo niya dito ang tsupon at kinalangan ng unan para manatili sa pwesto." Hinagod-hagod niya ang ulo ng sanggol at kahit hindi niya plinano, hinagkan niya ito sa noo. Hulog na ang loob niya sa foundling. "Don't cry ha. Stay put." Lumabas ulit siya ng silid.
Wala na sa salas si Dylan. Nakabukas ang front door kaya sumilip siya doon. Nakatayo sa madilim ring terrace ang lalaki, parang may inaabangan. Naramdaman naman siya nito at lumingon.
"Hi." Bati niya. Nilapitan si Dylan. "Ahhhmm, tumawag na ba si Roxanne?"
"Inaabangan ko na, baka lumagpas." Pumihit ito ng konte para makaharap siya. Nagbungguan ang balikat nila dahil napasobra pala ang lapit niya dito.
Proximity. Proximity. Ini-invade niya ang personal space ni Dylan. Senyales na...may gusto siya dito.
Aminado naman ako, ah?
But it was fascinating. Totoo pala na malalaman ang nararamdaman sa pamamagitan ng pagmamasid sa body language? Hindi niya sinadyang dumikit kay Dylan, iyon bang attraction ang nagtulak sa kanya na gawin iyon?
Dahil sa naisip, automatic siyang yumuko para tingnan ang paa niya.
Sheeesh.
Kaliwa at kanan, nakaturo kay Dylan.
Pero....
"Are you looking at our feet?" Tanong nito bigla.
Nag-angat si Bambi ng mukha. Nauntog ang noo niya sa baba ni Dylan. Kasi naman, nakadikit na sa kanya.
Nakadikit!
Napanganga siya. Napayuko ulit. His toes were pointing at her direction also. Nag-angat ulit siyang mukha. Dylan never moved an inch.
Were they....invading each other?
And he was looking at her mouth.
No, she was looking at his mouth.
Ano ba talaga?
At bakit siya nakanganga?
Bago pa niya naitikom ang bibig, lumapat doon ang labi ni Dylan.
Napasinghap ng malakas si Bambi. Some kind of force just rushed through her. Hot. Electric. Her entire body tingled and she shook. It was so sudden and overwhelming, napaatras siya.
Only to be drawn to his mouth again.
Biglang lumiwanag sa kalsada. Headlights.
"Si Rox na 'yan." Wika nI Dylan. Pinisil ang braso nI Bambi at naglakad patungo sa gate.
"Naman." Maktol ni Bambi.
Narinig yata ni Dylan, tumawa ito.
05JP8\