BUMUKAS agad ang pinto ng 7-C1.
"Hi, pasok..tuloy ka." Wika ni Dylan. Masaya ba ito na makita siya? Dilated ba ang pupils? Hanggang mata ba ang ngiti?
Itinaboy ni Bambi ang mga bagay na iyon sa isip. Hindi siya nagpunta doon para i-decode si Dylan o kaya ay hanapan ng kahulugan bawat ikikilos at sasabihin nito.
"Salamat---Frankie!" Bulalas niya nang mamataan ang crib na nasa gitna ng salas. Hindi na niya napigil ang excitement, nilapitan niya ang paslit, "Remember me, Frankiko?" Dumukwang siya sa crib, "You're so big na! Palibhasa ang dami mong yaya, eh." Binuhat niya ang sanggol. "Uyy, bumigat ka na rin!" Kanda ngiti siya kay Dylan. Nakangiti rin ang lalaki sa kanya at noon lang niya napansin na basa pa ang buhok nito.
Nag-shower ng mabilis nung malaman na papunta siya doon? Ipinilig niya agad ang ulo. Enough of that!
Dumukot na lang si Bambi sa bulsa, "Sorry, ha. Di ko kaagad nasoli." Ibinigay niya ang susi ng kotse kay Dylan.
"Okay lang. No problem." Pina-shoot nito ang susi sa bowl na nasa end table. "Upo ka muna, tingnan ko kung may meryenda sa ref."
One-bedroom ang unit ni Dylan. Living room, bedroom, kitchen and bathroom in one straight line from the doorway. Pero hindi naman masikip dahil sapat naman ang laki ng bintana para pumasok ang sunlight. Isa pa ay hindi bulky ang mga gamit ni Dylan at konte lang, just the basics. Walang extra borloloy na tugma rin naman sa personalidad ng lalaki.
Binuksan nito ang ref na nasa tapat halos ng pinto ng bedroom. Sinimpat ang nilalaman niyon habang ito naman ang sinisimpat ni Bambi. He was wearing jeans and white V-neck t-shirt, walang sapin sa paa. He's got slim feet dahil slim naman ito kung tutuusin. Lean and trim. Like a cat...maybe a lion or a tiger, dahil kung gumalaw rin si Dylan, tahimik masyado.
Buntonghininga dahil na-realize niya once again how much she was into him. At kaya siya naroroon ay para....
May tumunog a buzzer.
"Paki, Bambs." Wika nI Dylan.
"Okay." Karga pa rin si Frankie, binuksan niya ang pinto. Babae ang nasa labas. Bulaklaking mini-dress at white sneakers ang suot. Naka-loose braid ang buhok, walang make -up pero transluscent ang kutis. Petite. Sexy. Flawless.
"Hi." Wika ng babae.
"H-Hi."Parang na-tetanus ang panga ni Bambi, pinipilit naman niyang ngumiti, ayaw lang makisama ng bibig niya. Sino ang babaing ito?
Sinagot ni Dylan ang tanong, "Bambs, si Darlene. Darlene si Bambs." Wika nito mula sa ref.
"Ah, hi." Bati ulit ng babae kay Bambi. "Ahhm, kunin ko na si Frankie--"
"Ha?" USal ni Bambi. "Bakit?"
"Dylan asked---"
Sumabat na si Dylan, "Si Darlene ang babysitter ni Frankie. M-Marami kasi akong gagawin."
"Ah. Okay." Labag man sa kalooban, ipinasa ni Bambi kay Darlene ang bata, "Bye, Frankie. Be a good boy, ha."
Isinara ni Dylan ang ref, bumalik sa salas at may dinampot na drawstring bag. Itim. Nylon.
"Here." Iniabot nito iyon kay Darlene. "Pasensya ka na sa abala, ah."
"Okay ang diaper bag mo, ah." Komento ni Darlene. "No problem, just keep my website running." Nagpaalam na sa kanila ang babae.