Untitled Part 19

2.9K 100 11
                                        


WALA NGA akong lakad." Giit ni Bambi kay Bernie.

"Bakit ka nanghiram ng kotse?"

"Basta."

"May lakad ka, ayaw mo lang akong isama."

"E---ipagpalagay na? Ano naman ngayon?" Wala ang nanay niya, nakina Bevs, ipinatawag ng ate niya dahil dumating daw ang mga padala ng asawa, may mga de-lata daw para sa kanila. Ang tatay niya, nasa tindahan sa kanto, nakikipaghuntahan at nakikitagay na rin malamang.

Wala siyang kakampi.

"Boyfrend mo ako, may karapatan akong malaman kung saan ka pupunta, kung sino ang kasama mo." Mahinahon naman ang tono ni Bernie, mukha namang hindi siya sasaktan. Kaso lang, nabubwisit na siya. Paawa ang hilatsa.

"Ayoko na nga, eh. Nakikipagbreak na 'ko, di ba?"

"Hindi pa naman ako pumapayag."

"Ikaw ba ang masusunod?"

"Ikaw."

"Pala, eh."

"Pero may karapatan din naman ako na patunayan na ako ang mas karapatdapat sa 'yo, 'di ba?"

Kamot na lang ulit si Bambi sa batok.

"Okay, sige. Ganito ha. Break na tayo. Nanliligaw ka na lang."

"Hindi mo naiintindihan, eh." Giit ni Bernie.

"Hindi talaga. Mag-iisip na lang ako. Umuwi ka na muna. Kailangan kong mag-isip."

"Ano'ng oras tayo aalis bukas?"

"Hindi nga, eh!"

"Okay." Taas ang dalawang kamay ni Bernie. "Hindi kung hindi. Pasensya ka na kung makulit ako. 'wag ka nang magalit."

"Pasensya na rin." Lumapit na si Bambi sa pinto.

"Tutuloy na 'ko." Paalam ni Bernie.

"Goodnight."

Ikinandado niyang maige ang pinto pagkalabas ng lalaki. Ano nga daw ang kwento ni Kapitan tungkol kay Bernie? Naloko ng girlfriend? Sa nakikita niya ngayon, mukhang si Bernie lang ang nagsasabi na naloko ito. Malamang, nabwisit na rin ang kung sino man ang inaangkin nitong ex-girlfriend.

Pero agad rin niyang itinaboy sa isip si Bernie. Ime-message niya si Dylan, sasabihin niya na hindi na pupuwedeng mag-drive si Bernie, may biglaang lakad. Baka puwede na rin siyang ipag-drive ni Dylan.

Kaso mo, saan siya hahagilap ng kliyenteng may asawang British?

Ah, mali.

Magpapasalamat na lang ulit siya. Sumalampak siya sa sofa matapos kunin ang cell phone.

Facebook.

Post agad nI Dylan ang bumulaga sa kanya dahil 'she's seeing posts from Dylan Sy first'. Sinigurado niya iyon sa settings.

Laglag ang tuka niya.

Duguan ang hasang.

Si Dylan, napapaligiran ng mga babaing naka-shorts at sando. Mga mommies daw ni Baby Frankie!

Kung hindi naka-akbay ang mga hitad, nakayakap, naka-angkla.

Ang ngiti ni Dylan, hanggang teynga. Sa isang picture, nakahawak pa sa legs ng isang babae.

"Inay, may kayuran lang pero walang n'yoggggg!" She lamented.

Decoding His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon