HE EXPECTED TO HEAR FROM HER. ISANG BUWAN LANG NAMAN ANG IBINIGAY niya kay Bambi, hindi iyon mag-aaksaya ng panahon. Aaksyon agad. Pero dalawang araw na ang lumipas, hindi nagpaparamdam ang babae.
Oh, I know.
It was The Rules. Don't call him. Be busy. Magkunwaring busy kahit hindi. Intensyonal siyang dinededma ni Bambi para manibago siya, magtaka, mag-isip. Let her. Hindi naman magtatagal, mare-realize ni Bambi , wa epek ang Rules.
Still, Dylan felt restless. Dahil siguro hindi siya sanay maging 'stagnant' kapag may proyekto. And this whole thing was a project. His project. Hindi man niya intesnyon, he found himself taking Roxy's experiment seriously. At kapag may proyekto, hindi niya gusto na nasa 'passive position' siya, naghihintay ng aksyon bago maka-react. He didn't operate that way.
If nothing's happening, make something happen.
Kung iyon ang kaso, kailangan muna niyang malaman kung ano ang pinagkakaabalahan ng 'opponent'.
Reluctantly, he logged in to Facebook.
PRACTICE MAKES PERFECT.
Akala ni Bambi, rules of flirting ang tinutukoy ni Dylan. Gamitin na raw niya lahat ng rules na nalalaman niya. Kaya pag-uwi ng bahay, ni-review niya ang mga rules at para malaman kung saan siya nagkamali--what gave her away? She Googled, SIGNS SHE IS FLIRTING WITH A MAN.
Halos pare-pareho ang mga artikulo. Iisa ang sinasabi: Obvious pa siya sa dilang OBVIOUS.
Napangiwi si Bambi. Masyado siyang maging busy sa pagmamasid sa body language ni Dylan, hindi niya naisip na mayroon rin siyang sariling body language. Pag-aayos ng buhok lao na ang pagsisipit niyon sa teynga; leaning forward para magpakita ng kaunting cleavage, staring at his mouth, etcetera.
Habang kaya naman niyang ipaliwanag-- may eksplanasyon lahat ng ikinilos niya--laging pumupunta sa mukha ang buhok niya, siempre kailangan i-tuck-in sa tenga sa maingat na paraan or made-deform ang rebond, siempre dudukwang siay dahil may ipinapaliwanag siya. At bakit siya napapatunganga sa bibig ni Dylan, kasi naman, amputi ng ngipin, pantay-pantay pa. Ni hindi sumagi sa isip niya na gusto niyang halikan ang lalaki.
Pero siempre, ang nuknukan ng yabang na lalaki, inisip na lang kung ano ang gustong isipin. Ang masaklap lang, he was partly right. Oo, nagsuot siya ng pulang damit at lipstick dahil malakas daw makaakit ang kulay na iyon.
Lady in red, you're dancing with me..cheek to cheek.
Shesh! At oo, ginamit niya ang trabaho para maka-score ng lunchdate kay Dylan at maisagawa ang mga rules sa pang-aakit.
Another shesh!
Hiyang-hiya naman ang kanyang crimson nights in matte.
Pero tinanggap niya ang hamon ng impakto at wala naman siyang balak patiwakal dahil lang sa kahihiyan, sumangguni pa muli siya kay Google. RULES OF SUBTLE FLIRTING. Baka nasa 'subtle' ang susi. Kahit pare-pareho rin halos ang mga artickulong nabasa niya, inisa-isa pa rin niya. Kwoledge is power, sabi ni Ernie Baron.
And then she came across 'The Rules'. Self-help book daw iyon na naging popular noong mid-nineties, sinulat nina Ellen Fein at Sherrie Schneider. 36 rules kung paano mabihag ang puso at kaluluwa ni Mr. Right.
Hmmmmnn.
Kasama sa rules ang PRACTICE. PRACTICE. PRACTICE.
![](https://img.wattpad.com/cover/63259821-288-k657192.jpg)