Untitled Part 10

4.5K 95 3
                                    


DAMBUHALANG LATA NG INFANT FORMULA AT MAS DAMBUHALANG DIAPER PACK ang isinalpak ni Dylan sa backseat.

"Aampunin mo na talaga itong baby?" Hindi pa rin makapaniwala si Bambi.

Naupo na si Dylan sa likod ng manibela, "Oo, nga."

"Ano'ng alam mo sa pag-aalaga ng sanggol?"

"I'll manage."

Sinulyapan ni Bambi ang mga binili ni Dylan, "Aber nga? Pa'no ka magtitimpla ng gatas kung walang tubig at feeding bottle?"

"Di mo sinabi?" Asik ni Dylan sabay baba ulit ng kotse.

"Samahan mo na rin ng Tiki-Tiki!" Pahabol niya. Napakapayat talaga ng sanggol na kandong niya, maputla, parang naninilaw na ang balat na maraming butlig-butlig. Umiiyak pero ang hina at walang umaagos na luha. Dehydrated na yata. "Huy, Baby Boy, aampunin ka ng pogi, pilitin mong mabuhay ha." Ordinaryo ang features ng sanggol at hindi maputi, medyo kulot ang manipis na buhok.

Dalawang 5 liters na container ng Wilkins ang binili ni Dylan. May kasamang isang maliit na feeding bottle, "Yan na lang ang available." Anito pagsakay sa kotse, "At 'to, Tiki-Tiki."

"Lagyan mo na ng tubig 'yang bote."

"Ga'no karami?"

"Five ounce lang para makalog mo pa. Two scoops na lang siguro ng gatas tapos lagyan mo ng Tiki-Tiki, mga...ahhmmm..three m.l.?"

"Hindi ka sigurado?"

"Mmmm, sure na. Sige. Two!"

"Ilan talaga?"

"Basta patakan mo ng vitamins. Bilis na at hinang-hina na 'tong baby mo."

Kanda tapon-tapon ang tubig habang nagsasalin sa feeding bottle si Dylan. Pati formula, nagkatapon-tapon. Pero sa wakas, nagawa ang dede at nang mapatakan sa labi ang sanggol, hayok nitong hinanap ang source ng nourishment. Buong-pusong isinubo dito ni Bambi ang tsupon. "Dahan-dahan, baka hindi matunawan." Aniya.

Natawa si Dylan, hinawakan ang paa ng sanggol, "It's alright." Anito sa baby at binuhay na ang makina ng kotse.

"Kailangan mo rin bumili ng mga damit, lampin, cotton, baby wash, ointment para sa rashes. AT, pinakaimportante sa lahat, Pedia."

"Bibili ako ng Pedia?"

"Ha! Ha!"

Dylan grinned, "Dun sa La Union na tayo mamimili." Anito.

"La Union?!"

"Sabi mo, wanted ako. May bahay dun 'yung kaibigan ko, dalhin muna natin dun si Baby bago natin harapin ang mga pulis. Pasusunurin ko dun sa Roxanne para may mag-alaga sa bata. Ayoko lang malaman ng mga pulis na may napulot tayong sanggol dahil hahaba pa ang uapan. Beureaucracy. At habang sinusunod ang 'batas'--" nag-quotation marks ito, "Ang bata, nasa custody ng government agency kasama ang marami pang kagaya n'ya na akala mo, mga hayop sa poultry na inaalagaan. Kulang naman ang mga tagapag-alaga para ma-meet ang ...ang...emotional needs ng mga bata at sanggol.

"Samantalang kung nasa 'kin ang batang 'yan, mas matututukan ko, di ba? Kung kaya kong bawasan ang mga batang inabandona, why not? Wala lang talaga akong pasensya sa beureaucracy, daming oras na nasasayang na importante sa bata. Saglit lang naman ang biyahe. For the meantime, pilitin mo pa rin kumbinsihin ang ate mo na hindi ako masamang tao. Wag mo lang muna banggitin ang tungkol d'yan sa baby."

"Hindi ka galit sa 'kin?"

"Gusto kong magalit. Akalain mong pag-isipan mo 'ko ng masama? What were you thinking? Pero aksaya lang ng oras kung pagagalitan kita at kailangan ko ang tulong mo."

"Okay." May punto naman si Dylan pagdating sa well-being ng sanggol. Narinig na rin ni Bambi ang argumentong iyon sa kanyang ate. Kaya nga nag-decide si Bevs na umuwi na ng Pilipinas. Para matutukan si Cade, maalagaan ng mabuti.

Ang hindi lang maintindihan ni Bambi ay ang pagiging concerned masyado ni Dylan sa sanggol. Ang willingness nito na suwayin ang batas para sa kapakanan ng isang sanggol. Ang willingness nito na akuin ang isang malaking responsibilidad ng ganoon kabilis.

Fantastic si pogi.

"Dylan, naisip mo na ba na kailangan mo rin pag-aralin ang batang ito?"

"Alam ko ang mga dapat gawin, okay? Tawagan mo na ang ate mo."

Hindi lang niya tinawagan at tinext si Bevs. Pinadalhan pa niya ng mga selfies para patunayan na nasa mabuti siyang kalagayan.

Duda pa rin si Beverly, "Kung totoo 'yan, Bambi, bakit hindi pa kayo umuwi? Bakit ayaw mong sabihin kung saan ka dadalhin ng lalaking 'yan?"

"At saka ko na nga ipapaliwanag ate. May emergency. Pero bukas, makakauwi na ako, sigurado. At oras-oras naman tatawag ako sa 'yo para masigurado n'yo na buhay ako."

"Hindi ka uuwi magdamag?!"

Napangiwi si Bambi, "Emergecy nga, 'te."

"Ano nga ang emergency?" Sumisigaw na si Bevs. "Sino ang na-emergency? Ikaw ba? Nasaktan ka?"

"Hindi ganung emergency. May--may kailangan lang kaming daanan sa ano---sa---Tarlac!"

"Saan sa Tarlac?"

"Sa---ahhhm--sa Paniqui." Iyon ang unang sumagi sa isip niya. Kita niyang nailing si Dylan. Obvious na pinalala niya ang sitwasyon. E, hindi raw niya puwedeng sabihin kung saan talaga sila pupunta, ano ang gagawin niya?


Decoding His HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon