NANINIGAS pero tila hungkag ang pakiramdam ng sikmura ni Bambi. Nagpapawis at nanlalamig ang mga kamay niya. Iisa ang itinatanong ng isip.
WHAT HAVE I DONE?
"Okay ka ba talaga, Bambis? Baka masama talaga ang pakiramdam mo. Nahihilo ka ba or something? Ibibili na rin kita ng gamot, tutal dadaan rin tayo sa pharmacy." Wika ni Dylan.
"Okay lang ako. 'wag mo 'ko pansinin." Katatapos lang niy basahin ang mga text messages na dumating simula nang mag-CR siya sa NLEX kanina pa. An unexpected turn of events cut their trip short. Pabalik na sila ngayon sa Manila. Payag na rin si Dylan na buksan niya ang cell phone dahil okupado na ng ibang bagay ang isip nito. Naisantabi na ang 'experiment'.
Sangkatutak na ang text messages. Galing sa dalawang tao: Kay Bevs at kay Bernie.
Ate niya ang tinawagan niya kanina sa CR ng gasolinahan sa NLEX. Sinabi niya kung nasaan siya at kung sino ang kasama niya. Sinabi rin niya na natatakot siya dahil hindi niya lubusang kilala ang kasama.
"Hindi ko alam ang gagawin ko, ate. Mukha naman s'yang mabait. Pero nakakatakot din kasi wala akong alam tungkol sa kanya."
"Tanga! Picturan mo ang sasakyan, ang plaka. I -text mo 'ko maya't maya."
"E, hindi pwede, bawal. Ayaw n'ya ako pagamitin ng phone ko. Nag-CR lang ako kaya ako nakatawag."
"HA?! Ano'ng katangahan mo, Bambi? Bakit hindi ka n'ya pagagamitin ng phone mo? Ano s'ya?"
"E, basta--hirap explain, 'te."
Obvious naman na nag-alala ng husto ang ate niya. And knowing Bevs, aksyon kaagad iyon. Paglabas niya sa CR, kampante siya. Alam niyang hindi siya pababyaan ng ate niya.
Pagbalik niya sa oto ni Dylan, mas nabawasan ang misgivings niya. Kasi naman...
"Nakasimba ka na sa San Roque, dun sa Subic?" Tanong ni Dylan.
"Ha? Oo, pero matagal na. M-Maganda 'yung church, maliit lang."
"Dun tayo mag-proceed, baka aabot pa tayo sa Mass. Kung hindi na, visit na lang."
"Mass?"
"Catholic ka naman, di ba? Nakita ko sa wall mo si Pope."
"Oo. Sige."
Church?! Mass?! Nagsisimba ang tinamaan ng magaling! O arte lang iyon para makuha lalo ag tiwala niya?
Pero hindi umaarte lang si Dylan. Dahil wala naman siyang naramdamang alingasngas nang bumiyahe na sila ulit. Kung hindi sa kaba niya sa kung ano'ng reinforcement na ang tinawag ni Bevs, mag-e-enjoy na siya ng todo sa mga diskusyon nila ni Dylan.
Hindi ito criminal or something.
He was just an ordinary guy with extraordinary looks.
Tinakot lang ni Bambi ang sarili.
Tinakot rin niya ang kapatid.
Iyon nga lang, nananatili pa rin ang no cell phone policy ni Dylan. Hindi niya mabawi ang isinumbong sa kapatid. Hindi niya alam kung ano na ang nangyayari dahil sa false alarm niya.
Kaya kaninang-kanina pa siya hindi mapakali at tensyonado.
Wala nang Misa. Nag-visit na lang sila sa maliit pero cozy na simbahan. Nasa limampung katao lang siguro ang kakasya doon pero may mga benches sa labas at karugtong na ng isang park. Maraming tao dahil araw ng Sabado.