Years na ang nakaraan nang natapos ko ang story na ito. Bata pa ako no'n, hehe!
'Twin stories' ang tawag ko sa Pulosa stories. Ang Pulosa (place na nabanggit na sa iba pang books ko ay fictitious. Sa Journey To Love mas nabigyan ng malaking role ang lugar. Pero ang talagang kuwento na Pulosa ang setting ay ang kuwento ng mag-pinsang sina Zeph at Zeus.
2015 ko na nagawang balikan ang story ni Zeus. Kaya naman, late na rin ang release ng 'Pulosa twin stories' ko. 'Wag magulat sa kaibahan ng writing style sa book 1 and book 2. 2012 ko pa natapos ang book 1. Ipinagdidiinan ko na bata pa ako noon, ha-ha! Ang ayaw maniwala, 'di 'wag kasi. *grin*
Naisip kong gawin na lang na trilogy ang Pulosa. Mga magaang stories lang. Simpleng kilig para sa mga pusong ampalaya sa forever.
Kaya kung hawak mo ang book na ito at 'heavy with a twist' ang story na hinahanap mo, pakibalik na lang po ang book sa kung saan mo man kinuha. Baka ma-disappoint lang kita. Pero kung kinuha mo ito dahil sa #kainismuch na issue ng #walangforever na hindi natatapos, ay, go na sa cashier at iuuwi ang book. Sabay tayong maniwala na #mayforever!
Nag-iisip pa ako kung ipu-push ko ang trilogy.
Para sa mga VA readers na naniniwala na #mayforever, makibaka tayo. Wala talaga—este meron pala, ha-ha-ha!
BINABASA MO ANG
Zeph COMPLETED (PREVIEW)
RomansaUNEDITED COPY. Nakilala ni Ara si Zephyrus "Zeph" De Villar nang gabing tumakas siya para hindi maging biktima ng white slavery. Dinala siya ng lalaki sa hotel na tinutuluyan nito. Noong una ay hindi niya ito pinagkatiwalaan. Pero nang mga sumunod n...
