"GANOON pala ang nangyari," nasabi ni Ara pagkatapos ng paputol putol na kuwento ni Zeph. Natuwa ang dalaga na itinuring nga siya nitong magic poste. "Hindi mo na ba naayos? Nag-reach out ka ba? Baka nagpapasuyo lang iyon."
Hindi buo ang ngiti ng lalaki. Halatang halatang nasasaktan pa rin. Dinig niya pati paghinga nito nang malalim. "Reach out? Hindi nga ako tumigil, Ara. Gusto kong bumawi. Pero wala na, Lahat ng magandang bagay na nangyari sa amin, lahat ng pagmamahal na ipinaramdam, sinira ng isang gabing iyon. Hindi siya nakinig sa paliwanag ko. Ang masakit, wala akong maalala sa nangyari..." tumingala si Zeph at sumagap ng hangin. "Naghiwalay kami na naiwan sa akin ang pakiramdam na ang sama-sama ko--iyon ang ipinaramdam ni Tiffy sa akin. Hindi maalis sa isip ko na sobrang nasaktan siya. Pinilit kong bumawi sa lahat ng paraang alam ko. Kahit wala na kami, nagde-design pa rin ako para sa kanya. Walang kaso kahit angkinin niya ang mga designs ko. Somehow natuwa akong kahit wala na kami, hindi pinutol ni Tiffy ang komunikasyon. Na-kontento na lang akong maging kaibigan."
"Masakit 'yon 'no? Na maging kaibigan lang sa babaeng mahal mo?"
"Sobra. Pero kasalanan ko, eh. Kailangan kong tanggapin ang consequence nang nagawa ko. Mas na-guilty pa ako na hindi niya sinabi sa parents ko na kasalanan ko kung bakit kami naghiwalay. Hindi raw niya gustong masira ang 'perfect son' image ko."
Hindi umimik si Ara. Nakinig lang siya kay Zeph.
"Three months later, she found a new man. And you know what's worst? Hindi ko mapilit ang sarili kong lumayo, Ara. Pakiramdam ko kasi, hindi pa ako nakakabawi sa kanya. Tuwing lumalapit siya para hingin ang opinyon ko sa mga bago niyang designs at humihingi siya ng mga karagdagang designs, pinagbibigyan ko pa rin siya. Nagde-design pa rin ako para sa kanya." Ngumiti ito, bakas ang lungkot sa anyo. "Siguro, nakasanayan ko nang mahalin siya sa ganoong paraan kaya ang hirap tumigil."
Nakatitig lang si Ara kay Zeph. Pakiramdam niya ay nahawa siya sa bigat na dinadala nito sa dibdib.
"Ganoon naman daw ang love 'di ba? Parang addiction. 'Sabi lang iyon ng mga kaibigan ko sa probinsiya na nagmahal at nasaktan." Pinagaan ng dalaga ang tono.
"Two weeks ago, engagement party niya. Last week, nag-argue kami ni Mommy dahil sa kanya—dahil pinuntahan ko pa rin siya nang tinawagan ako. Pinasok raw ng magnanakaw ang bahay niya. Dinatnan ko siyang takot na takot. Late na akong nakauwi sa amin. In-invite niya akong mag-dinner. She cooked for us, 'thank you' daw niya iyon na dumating ako para tumulong. Nagkuwentuhan kami. Bago ako umalis, she asked me to do a loveseat for her."
"Ginawa mo agad-agad?"
"Hindi pa pero plano kong gawin." Huminga nang malalim si Zeph. "Three days ago, kinausap ako ni Dad na hanapin ko raw ang sarili ko. I realized right then, tama ang sinabi ng parents ko, hindi ko na nakikita ang self worth ko dahil sa pagmamahal ko kay Tiffy at sa pagnanais kong makabawi sa kanya."
Nanahimik saglit si Zeph at tumingin uli sa kalawakan. Naudlot ang pagsasalita ni Ara nang mag-ring ang cell phone nito. Kinuha ng lalaki sa bulsa ang gadget at sinipat. Nakita niyang ilang segundong tumitig ito sa gadget bago mariing pumikit at ibinulsa uli iyon. Nabasa niya sa anyo nitong pinilit lang labanan ang sarili.
"Siya ba 'yan?" hindi napigilang usisa ni Ara. "Parati ka pa rin niyang tinatawagan?"
Marahang tumango si Zeph.
"Hindi mo sasagutin?"
"Marami na naman siyang sasabihin at babalik na naman ako sa dati. Pagbibigyan ko na naman siya. Nagawa ko nang humakbang, Ara. Isa pa lang. Sobrang ikli pa lang pero nagawa ko na. Hindi ko alam kung paano ko gagawin ang susunod na hakbang pero gusto ko nang makalayo, makaalpas. Gusto ko nang lumaya sa bigat dito," inilapat nito ang palad sa sariling dibdib. "Alam mo ba 'yong pakiramdam na hindi ka na makahinga?" Hinagod-hagod nito ang dibdib. "Nasasaktan na rin ang parents ko. Hindi na talaga tama ang ginagawa ko sa sarili ko." umiling-iling si Zeph mayamaya kasunod ang tawang walang laman. "Pasensiya ka na kung sa 'yo pa ako napakuwento. Ang tagal kong ikinulong 'to, eh. Nakakahiya sa 'yo—"
"Okay lang, ano ka ba? Magic poste nga ako 'di ba?"
Matagal na nagtama ang mga mata nila. Mayamaya ay ngumiti si Zeph. "Thanks, magic poste."
Ngumiti rin siya. Paulit-ulit na nagri-ring ang cell phone nito hanggang sa nagdesisyon na silang bumalik na sa hotel.
![](https://img.wattpad.com/cover/55511786-288-k708080.jpg)
BINABASA MO ANG
Zeph COMPLETED (PREVIEW)
RomanceUNEDITED COPY. Nakilala ni Ara si Zephyrus "Zeph" De Villar nang gabing tumakas siya para hindi maging biktima ng white slavery. Dinala siya ng lalaki sa hotel na tinutuluyan nito. Noong una ay hindi niya ito pinagkatiwalaan. Pero nang mga sumunod n...