Therapy Seat

6.6K 237 2
                                    

"SEVEN days therapy?" ulit ni Zeph sa sinabi ni Ara. Magkasalo silang nag-aalmusal nang umagang iyon.

Tumango siya. "Isipin mo na lang na hindi ko gustong malugi ka sa ibabayad mo sa akin kaya may suggestion ako para makatulong sa 'operation stop addiction' mo kay Tiffany. Suggestion lang naman. Kung ayaw mo, okay lang."

"Go ahead," humigop ito ng kape, hindi inaalis ang tingin sa kanya. "Gusto kong marinig ang suggestion mo."

"Nabanggit mong may gagawin kang loveseat para kaya Tiffany?"

"Yeah. 'Yon 'yung favor na hiningi niya no'ng huli kaming nagkita."

"Huwag mong gawin."

"Sinusubukan kong mag-focus sa mga designs na kailangan ni Dad pero may kulang talaga sa mga designs ko kaya hindi niya nagugustuhan. Madali lang gawin 'yong loveseat, buo na nga sa isip ko pero ayokong i-sketch."

"Gumawa ka ng ibang loveseat, Zeph."

"Ibang loveseat?"

Napakamot si Ara sa kilay, napaisip kung paano sasabihin nang tama. "Tatawagin natin ang gagawin mo na 'therapy seat' "Pag gusto mong gawin ang loveseat para kay Tiffany, ang therapy seat ang gawin mo."

Kumunot ang noo nito, tila nag-isip. "Para kanino 'yong therapy seat na gagawin ko?"

"Para sa akin."

Napatitig sa kanya si Zeph. Kaagad siyang nagpaliwanag bago pa tuluyang mailto ang lalaki sa suggestion niya. "Hindi mo naman kailangang gawin talaga 'yong upuan. 'Yong design lang ang tapusin mo sa loob ng pitong-araw. Ang goal lang natin, mailipat sa therapy seat yung kagustuhan mong buuin ang loveseat para kay Tiffany. Kasi, Zeph, kung hindi mo magagawa ang maliit na bagay na 'to, hindi ka magtatagumpay sa iniisip mong paglaya sa 'addiction' na 'yan. 'Pag natapos mo ang therapy seat at hindi ang loveseat, ibig sabihin, pagkatapos ng sampung araw na usapan natin, magiging okay ka na. Ang kailangan mo lang gawin ay maghanap ng bagong babae na gagawan mo ng therapy seat 'pag wala na ako. Nakuha mo ba ang punto ko?"

Mahabang sandaling nakatitig lang ang lalaki sa kanya at hindi umiimik. Naisip tuloy niyang walang kuwenta para rito ang naisip niyang paraan para makatulong.

"Naka-three days na tayo kaya seven days na lang. Pagkatapos ng seven days, ibigay mo na lang sa akin 'yong sketch mo ng therapy seat. Remembrance." Nginitian niya ito.

Hindi pa rin umimik si Zeph pero inilayo na sa mukha niya ang tingin. Nasa anyo nito na nag-iisip pa rin. Mayamaya ay ibinalik nito sa kanya ang mga mata.

"Ano ba'ng gusto mo sa loveseat, Ara?"

Naudlot ang pag-inom ni Ara ng tubig. Napatitig siya rito.

"Gusto kong gawin ang therapy seat na sinasabi mo."

Magkahinang pa rin ang mga mata nila nang unti-unti siyang mapangiti.

"'Sabi ko na, eh. Bebenta sa 'yo ang ideya ko!"

Lalo siyang natuwa nang tumugon ito ng ngiti sa kanya.

"Okay sa akin kahit ano pa 'yan, basta gawa mo."


Zeph COMPLETED (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon