"Umalis na tayo, Manong. Ngayon na ho, pakibilisan...."
Kung hindi napansin ni Ara na nanginginig ang sariling boses ay hindi rin niya mapapansin na nanginginig rin pati mga kamay niya.
Umusad ang Taxi na hindi man lang niya nagawang tingnan ang driver. Abala sa labas ang mga mata ni Ara. Mabilis ang kabog sa kanyang dibdib habang ino-obserbahan ang mga nakasunod sa kanila. "Pakibilisan ho. Pakibilisan. Kailangan kong makalayo agad..." hindi mapakali ang nanginginig niyang mga kamay.
"Saan ba tayo, Miss?"
Natigilan si Ara.
Saan nga ba siya pupunta ngayon?
Simbahan ang unang naisip niya. "Simbahan..." Hindi niya alam kung saan pero simbahan lang talaga ang naisip niya.
At habang nakasubsob sa nakasarang pinto ng simbahan ay inilabas ni Ara ang halo-halong emosyon. Kailangan niyang gawin iyon para makahinga nang maluwag. Nag-break down siya nang mga sumunod na sandali.
BINABASA MO ANG
Zeph COMPLETED (PREVIEW)
RomansaUNEDITED COPY. Nakilala ni Ara si Zephyrus "Zeph" De Villar nang gabing tumakas siya para hindi maging biktima ng white slavery. Dinala siya ng lalaki sa hotel na tinutuluyan nito. Noong una ay hindi niya ito pinagkatiwalaan. Pero nang mga sumunod n...
