Close To You

6.6K 225 3
                                    

MALALIM na ang gabi ay hindi parin dalawin ng antok si Ara. Hindi siya matahimik sa iisang puwesto sa couch. Walang mahanap na komportableng posisyon ang katawan.

Bumangon na lang siya at naupo yakap ang unan. Pagbaling niya sa puwesto ni Zeph sa kama ay nakita niyang gising rin ito. Abala na naman sa sketch pad. Tahimik lang niyang pinagmasdan ang seryosong anyo nito habang patuloy sa pagguhit.

Naramdaman yata ni Zeph ang titig niya—tumigil ito at tumingin sa kanya. Hindi niya binawi ang tingin. Ngumiti lang siya nang magtama ang mga mata nila.

"Hindi ka pa inaantok?" tanong nito.

Umiling lang siya bilang tugon.

"Gusto mong lumipat dito? May blank sketch pad ako kung gusto mong mag-sketch din ng kahit ano hanggang sa antukin ka."

Nagustuhan ni Ara ang ideya. Tulad nang nagdaang gabi, lumipat siya sa kama nito yakap ang unan. Kinuha naman ni Zeph ang blankong sketch pad mula sa mga gamit nito. Inabutan rin siya ng lapis. Hindi na binalikan ng lalaki ang pag-sketch. Nagbukas ito ng laptop at mahabang oras na naging abala roon.

"Zeph?"

"Hmn?"

"Puwede ko bang tingnan?" ang sketch pad na iniwan nito sa kama ang tinutukoy niya.

"Yeah, sure."

Nakangiting kinuha agad ni Ara ang sketch pad at isa-isa niyang sinipat ang mga designs nito. Hindi niya mapigilan ang pagkamangha sa bawat drawings ni Zeph. Iba-iba ang mga iyon—mula sa kulay, style, materyales at laki. Katibayan ang mga designs sa hindi matatawarang creativity nito. Bukod sa mga iba't-ibang klase ng mesa at upuan ay may ilang drawings rin siyang nakitang mukhang disenyo ng isang silid na mga furnitures na gawa nito ang nasa loob.

Napansin rin niya ang mga hindi tapos nitong designs. At ang huling sinisimulan pa lamang nitong iguhit ay ang therapy seat. Wala pa kahit hugis iyon. Hindi pa malinaw kung ano ang kalalabasan kapag buo na.

Wala naman siyang maisip iguhit kaya upuan na rin ang naisip ni Ara. Inisip niyang kung siya ang nasa posisyon ni Zeph, ano kaya ang mga design na gagawin niya?

Nag-isip rin siya ng sariling disenyo. Hindi niya namalayan na naaliw na rin siya sa ginagawa. Dalawa ang natapos niya pero sa huling mga minuto na inaantok na ang dalaga ay tsinelas at maliit na bags na ang iginuhit. Mga native materials sa probinsiya tulad ng abaka ang ginamit niya.

Nakatulog na siyang hawak pa rin ang lapis at sketch pad.


Zeph COMPLETED (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon