Dawn And You

6.6K 209 3
                                        

SA HULA ni Ara ay madaling-araw na iyon nang maramdaman niyang may mga brasong bumuhat sa kanya at inihiga siya sa malambot na higaan. Sunod niyang naramdaman ay kinumutan siya. Dumilat ang dalaga, malamlam na liwanag ang sumalubong sa mga mata niya.

"Z-Zeph?" paos na usal niya, namulatan niya ang lalaki na inaayos ang ulo niya sa unan. "Bakit gising ka na? Ano'ng oras na ba?" disoriented niyang tanong. Nasaan ba siya? Ang huling natatandaan niya ay nagkukuwentuhan sila sa kama nito.

Nakatulog yata siya...

"Dawn," paos rin na sagot ni Zeph. "Ituloy mo lang ang tulog," sabi nito at humiga na uli sa tabi niya. Nakatulog pala siya nang nakaupo. Nagising yata ito at inayos ang higa niya sa kama. Mukhang inaantok pa rin ito, hindi na gumalaw pagkahiga uli.

Bumangon si Ara para lumipat sa couch pero bago siya nakatayo ay pinigilan ni Zeph ang braso niya. "Dito ka na lang, Ara. Maluwang naman ang kama. Mas komportable ang tulog mo." mayamaya pa ay naramdaman niyang wala nang lakas ang hawak nito—nakatulog na uli si Zeph.

Habang pinagmamasdan ni Ara ang payapang anyo nito ay may ideyang sumagi sa isip niya. Gusto niyang tulungan si Zeph na makaalis sa sitwasyon nito.

Zeph COMPLETED (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon