Pagtakas sa mga Alaala

7.4K 224 1
                                    

PINUKAW ng tanong na iyon ni Ara ang isang eksena sa isip ni Zep—ang dahilan kung bakit nasa hotel siya nang sandaling iyon, mag-isa at pilit tinatapos ang mga disenyong paulit-ulit lang na binabago dahil hindi niya makuha ang tama.

Nabuhay ang isang eksena sa isip niya...

Naroon na naman ang pamilyar na bigat sa puso niya.

Ipinilig na Zeph ang ulo para putulin ang eksena sa isip. Kanina lang ay tumawag ang Daddy niya para ipaalala ang designs na hindi niya magawa nang tama mula nang mabalitaan niya ang engagement ni Tiffany. Kahit ano'ng subok ang gawin ni Zeph ay hindi niya iyon magawa nang ayon sa nais ng ama.

Bumaling si Zeph kay Ara na naghihintay pa rin ng sagot. "Vacation," sagot niya sa tanong ng babae. "A part of me, Ara..." kasunod ang mabigat na paghinga.  "Gustong-gustong mahanap 'yung kapayapaan ilang years nang wala sa akin."

Umangat ang isang kilay ni Ara.

"Parang ang lalim," At bahagyang ngumiti. "Puso?"

Ngiting kulang sa buhay ang sagot ni Zeph.


Zeph COMPLETED (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon