Make You Laugh

6.8K 235 0
                                    

"Hindi ah. Naaliw lang ako sa paligid..."

Nagkalambong ang maaliwalas na anyo ni Zeph. "Hindi ka na kumibo pagkatapos nating mag-usap kanina."

"Wala lang akong maisip sabihin, Zeph."

"Parang sinasadya mong magpaiwan?" Napatingin si Ara sa kamay niya nang gagapin nito iyon at hawakan nang mahigpit. "Kung nasa paligid ang mga taong tinatakasan mo, hindi ka nila makukuha."

"Itim ang budhi ng mga 'yon, wala kang laban sa kanila—"

"Hindi ka nila makukuha. Hindi ko bibitawan ang kamay mo."

"Zeph..." nanibago siya sa pakiramdam na may nakahawak sa kamay niya. "A-Ang higpit ng hawak mo..."

"Tama lang, para hindi ka makawala." Niyuko siya nito kaya nagtama ang mga mata nila. Nag-iba ang pintig ng puso ni Ara. Napalunok na nagbawi siya ng tingin. "K-Kailangan ba talagang hawakan mo pa ang...ang kamay ko?"

Marahang hinila siya nito patungo sa isang direksiyon. Bumagal ang mga hakbang ni Zeph kaya bumagal rin ang paghakbang niya para sabayan ito. "Hindi ka komportable?" mababang tanong nito, parehong sa unahan nakatutok ang tingin nila.

"Hindi lang siguro ako sanay."

"Is this your first time?"

"Na maglakad na may kahawak-kamay? Oo, eh..."

Hindi umimik si Zeph pero sa sulok ng mga mata ay nakita niya ang pagngiti nito.

"Ano'ng pakiramdam, Ara?"

"Ikaw? Ano ba'ng pakiramdam mo?"

"Great! Gusto ko ang pakiramdam na hindi ako mag-isa."

"Pawis ang nararamdaman ko, eh." Naisip ni Ara na magbiro na lang para itaboy ang bumabangong tensiyon sa dibdib niya. "Parehong nagpapawis ang palad natin, Zeph."

Napatigil ang lalaki sa paghakbang. Tumigil rin si Ara. "Sa lahat naman ng puwede mong mapansin, pawis talaga?"

Tumungo siya at pinawalan ang pinipigilang ngiti. "Masama bang maging honest? Pawis talaga ang naramdaman ko!" Kasunod ang magaang tawa.

Tumawa rin si Zeph. "You did it again."

"Ha?"

"Make me laugh."

"Hindi joke iyon. Mas malakas talagang magpawis ang palad mo kaysa sa akin, Zeph!" Pag-angat niya ng tingin ay ngiting-ngiti si Zeph. Naramdaman ni Ara na lumuwang ang hawak nito sa kamay niya. Bumalik uli sa kamay ang tingin niya nang maramdamang may ginagawa si Zeph—maingat na tinuyo nito ng asul na panyo ang pawis sa palad at sa pagitan ng mga daliri niya. Ilang segundo nitong ginawa iyon. Pinunasan rin nito ang sariling kamay bago ginagap uli ang palad niya.

"Ano na'ng nararamdaman mo?" tanong uli ni Zeph nang naglalakad na sila. Naramdaman ni Ara na bahagyang humigpit ang hawak nito sa kamay niya.

Napalunok muna siya bago nagawang isatinig ang sagot. "I-Init ng...ng palad mo..."

Ngumiti si Zeph pero hindi na nagsalita.


Zeph COMPLETED (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon