Magic Poste

7K 223 0
                                    

"Magic poste?"

"Poste na pinupuntahan ng mga taong may mga pasan-pasang bigat sa dibdib. Magic, kasi may kakayahan ang posteng iyon na higupin lahat ng negatibong emosyon ng taong naglalabas ng masamang pakiramdam."

"Sana may totoong magic poste."

"Meron nga—ako!" kasunod ang nanghihikayaat na ngiti. "Sige na," huminto si Ara sa paglalakad, pinigilan niya ang braso ni Zeph kaya napilitang huminto rin. Ipinihit niya ito paharap sa kanya. Tumayo siya ng tuwid na tuwid para magmukha siyang poste.

Napangiti si Zeph. "Mapapagod ka sa ginagawa mo," sabi nito, hinawakan ang bisig ng dalaga at hinila siya. "Sa unahan pa tayo," May iilang guests rin ng hotel na naroon at kasabayan nilang naglalakad-lakad.

Huminto si Zeph at tumingala. Hindi niya napigil ang sariling pagmasdan ang lalaki. Ilang segundong tahimik lang ito na parang may mahalagang iniisip.

"Ano'ng nakikita mo 'pag tumitingin ka sa kalawakan, Zeph?"

"A face," mababang sagot nito. "Same face."

"Mukha ng babaeng mahal mo?" hula ni Ara.

"Yeah..."

"Nakangiti ba siya?"

"Hindi. Nasasaktan..."

"Nagawan mo siya ng kasalanan?"


Zeph COMPLETED (PREVIEW)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon