Lilac POV
"Waaaaah! Three points! Ang galing mo talaga Mawi my sweety!" Malakas na tili ko na ikinatakip ng tenga ni Heart, ang aking bestfriend at partner in crime at classmate na din since elementary hanggang ngayon na 12th grader na kami.
"Hoy Lili! Tumigil ka nga! Nakakadiri ka talaga! Wala kang ka poise poise! Ano bang nakita mo dyan kay kuya Mawi at halos magpakapaos ka na dyan kaka-cheer?! Tara na kasi at kumain na tayo sa labas! Gutom na ako eh!" Iritang ani ni Heart na ikinaingos ko.
Anong nakita ko kay Mawi?! Oh my golly! Sobrang dami... I cant even count....
Nese kenye ne eng lehet! Minamehel ke syeng tepet!
Nasa kanya na ang lahat... pati ang puso ko! Ow oh oh oh oh...
Letse! napapakanta ako... yun naman kasi ang totoo, nasa kanya na lahat! Pati puso ko tangay na din nya!
Mauricio "Mawi" Mackelroy... oh my! Baduy man ang pangalan nya pero kabaligtaran iyon lahat ng kung ano sya! Super astig, super hot at super gwapo. Pwede na nga syang si superman para sa akin. He is a student here in Grant Internation School at pangalawang pag-aaral na nya ito. Unang aral nya ay AB International Studies at ngayon ay nagma-masteral pa ang binata.
Mauricio Mackelroy. If I am to describe him I would say he is every woman's ideal man. Tall, dark and handsome. Cliché man pero iyon talaga sya. He's a six footer with a tanned skin, muscled sexy bod and a drop dead gorgeous face. Isang ngiti pa lang nito ng killer smile nya... shoot! Buullseye! Direkta sa puso ko ang pana ni Cupid. Laglag ang panty ko... isama mo na rin pati matres...
Mauricio Mackelroy. Ang binatang grade four pa lang ako ay sobrang crush ko na. Yung tipong wala ka ng magawa kundi mangarap na lang sa lalaki. Araw araw gusto mo syang nakikita at nasisilayan ang mga ngiti nya. Hindi makukumpleto ang araw mo kapag hindi mo sya nakita at nasisira ang araw mo kapag may mga babaeng nagpapa-cute sa kanya. At ang saklap lang ay ang dami kong kahati sa atensyon ng binata, lalo pa at mas matanda ng ilang taon ang binata sa akin.
Anong magagawa ng isang eighteen years old laban sa mga twenty three years old na mahaharot na babae?
Cleary none.
Mas may boobs sila...
Mas marami ang experience...
Mas makamundo...
Mas magaling mang-akit...
Mas malandi...Hep!
Pero...
Mas sexy ako!
Mas maputi at makinis!
At siguradong mas maganda!Kaya laban lang ako kahit tagilid...laban lang...
"Tara na Lili, gutom na talaga ako!" Reklamo ni Heart na hinatak pa ang braso ko.
"Ano ka ba.. tapusin na naten ang laban ng kuya mo! Patapos na din naman oh! Mamaya malasin pa sya kapag wala ako." Sagot ko kay Heart na ikinasimangot nito.
"Wow ha! Lucky charm ka?!" Pambasag ni Heart sa sinabi ko pero hindi ko na sya pinansin dahil muling naka-shoot si Mawi ng three points.
"Aaahhh! Whoooo! Ang galing mo talaga sweety Mawi!" Sigaw ko na ikinailing na lang ni Heart
Kasabay ko din ang mga cheerleader na mga nagtitilian kada shoot ni Mawi.
Hay! Daming kakompetensya! Di tuloy ako marinig ni Mawi... badtrip!
Ang lalandi! Mga mukha namang paa!At ng matapos ang laro ay ako ang kauna unahang tumakbo para icongratulate si Mawi sa pagkapanalo nila.
BINABASA MO ANG
The Shotgun Wedding (COMPLETED)
RomantikPikot. Paano nga ba kung gumawa ka ng paraan para mapikot ang lalaking matagal mo ng gusto? Pero paano kung ang namimikot ang napikot?! Kung napikot ng pumipikot ang hindi naman pinipikot, matatawag pa ba iyong pikot?! Magulo ba? Naguluhan nga din...