Lilac POV
Mahinang yugyog at masuyong halik ang gumising sa akin mula sa pagkakahimbing.
"Good morning asawa ko!" Ani ng malambing na boses na nakikiliti kong ikinamulat ng mata.
"Ano ba Gian! Ang aga aga, ang landi mo." Ungot ko habang walang lakas ko siyang itinutulak sa dibdib. He gave me that lopsided grin that really looks nice on him. Lalo siyang gumagwapo sa ngiti niyang iyon.
"Happy second monthsary!" Masayang aniya sabay abot sa aking ng isang malaking bouquet ng red roses. It was so big that I can't almost embrace it ng itulak niya iyon sa akin. Four dozen? Five? I cant even count how many roses are in there, arranged beautifully that I can't help the smile that crept to my lips but then...
Second monthsary?! Hindi ko man lang napansin na ngayon iyon sa sobrang busy namin ni Heart kakaisip ng paraan kung paano paghihiwalayin si Mawi at si Miranda.
Hindi ko maitago ang guilt sa mga mata ko ng tignan ko si Gian, but it's as if he ignored the fact that I forgot about our monthsary when he sighed. Inabot niya ang bedtray na nasa side table ko. Umayos ako ng upo at itinayo naman niya iyon sa aking harapan.
"Madam, your favourite belgian waffles with fresh strawberries on top, cheese and egg soufflé and warm non-fat milk." Akala mo'y chef na ani ni Gian. Hindi ko na napigilan at lumapad ang aking ngiti na ginantihan din ni Gian ng malapad niyang ngiti.
"Dig in." Aniya sa akin ng hindi ko maialis ang pagtitig sa gwapong mukha niya.
"Thanks Gian." Nahihiyang aniko sabay tikim sa pagkaing dala niya.
"Your always welcome, wife." Malambing na aniya. Napapikit ako sa sarap at nangingiti habang sunod sunod ang aking subo ng mapansing nakatitig lang sa akin si Gian. Iniumang ko sa kanya ang tinidor kong tinusukan ng waffles. Lumapad muna ang ngiti ni Gian bago tinaggap ang pagsubo ko sa kanya. Napatango tango siya marahil dahil nasarapan din siya sa isinubo ko.
"Today is saturday asawa ko. May meeting kami ngayon pero ikaw... wala kang pasok di'ba?" Aniya na ikinatunghay ko sa kanya.
"So?" Aniko habang muling tumutusok ng waffles at isinubo iyon.
"Let's go on a date. Celebrate tayo dahil two months na tayong nagmamahalan." Aniya sabay kindat. Nasamid ako sa sinabi niya kaya agad akong napainom ng gatas.
"A-ano?! N-Nagmamahalan?!" O-okay k-ka lang?!" Di makapaniwalang aniko sa binata habang nanlalaki ang mga mata ko sa kanya.
"Yes. Nagmamahalan. 'Di naman tayo tatagal nang ganito kung hindi tayo nagmamahalan." Seryoso ang tono niya pero kita ko pa rin ang pag-angat ng gilid ng labi niya.
"Oh please!" Aniko sabay ikot ng mata ko sa binata. Malakas na halakhak niya ang pumuno sa kwarto.
"So matagal na sa'yo ang two months?! Hindi na ako magtataka, sanay ka kasi na one day lang ang relasyon mo sa babae... o baka nga oras lang eh! Ano nga ba ang shortest?! A quickie of twenty minutes?!" I scoffed while Gian pouted his sexy lips.
"Kaya ba feeling accomplished ka sa two months?! No wonder!" I sarcastically added. Gian only laugh lightly pagkatapos ay kinurot niya ang magkabilang pisngi ko na hindi ko naiwasan.
"Ang cute cute mo talaga." Nakangusong aniya na ikinainis ko lalo habang kurot kurot niya ang mga pisngi ko. Malakas na tinabing ko ang mga kamay niya.
"Stop treating me like a kid. At mas lalong hindi ako cute!" Bulyaw ko na sa kanya. Gian just know how to annoy me this much.
"Well, cute ka para sa akin at maniwala ka, sa mga naglalaro sa isip ko, siguradong hindi bata ang tingin ko sa'yo." Malalim na aniya sabay ngisi na ikinalaglag naman ng panga ko. My heart began to hammer in my chest when he began to look at me differently. And I can clearly see the burning desire in his eyes all the while he is staring at me.
BINABASA MO ANG
The Shotgun Wedding (COMPLETED)
RomancePikot. Paano nga ba kung gumawa ka ng paraan para mapikot ang lalaking matagal mo ng gusto? Pero paano kung ang namimikot ang napikot?! Kung napikot ng pumipikot ang hindi naman pinipikot, matatawag pa ba iyong pikot?! Magulo ba? Naguluhan nga din...