Gian POV
Isang malakas na sampal sa pisngi ang ginawa ko sa aking sarili dahil napatingin muli ako sa pinto na kanina lang ay pinangako kong hindi na muling susulyapan. Masakit pero nakakagising naman mula sa katotohanan.
I bitterly laugh as I slouched on the couch next to Snow. Hinimas ko ang inaantok ng aso.
"Magaling lang talagang mangako ang mommy mo pero hindi marunong tumupad! Ang galing mag-paasa! Tapos gusto ng mommy mo na maniwala ako sa sinasabi niyang mahal niya ako?! Hindi nga siya mapagkatiwalaan sa mga pangako niya! Sinungaling! Paasa! Walang isang salita! Tch! Itakwil mo ang mommy mo ha!" Kumahol si Snow na animo'y nagpoprotesta. Tinignan ko siya ng masama.
"Ayaw mo?! Tch! Ako ang nagpapakain sa'yo dapat sa akin ka sumusunod! Huwag kang bibigay agad sa mga matamis niyang salita! Baka naman konting himas lang sa'yo, kakawag nanaman ang buntot mo! Itatakwil kita!" Litanya ko habang nakikipagtitigan sa aso. Lumabas ang dila niya sabay dinilaan niya ang mukha ko. Malungkot akong napangiti.
"Hay... mana ka sa mommy mo! Dinadaan mo ang lahat sa landi! Tch! Ibebenta kita." Aniko sa kanya pero napakalambot ng tono ko habang hinihimas ang ulo ng malambing na aso.
Napangiwi ako ng muli akong napasulyap sa saradong pinto. Hindi ko iyon mapigilan.
"Isang halik lang kasi bigay ka na kaagad! Asa ka na kaagad! Marupok ka Gian! Napakarupok mo!" Pagalit na aniko sa sarili habang mariin kong pinikit ang aking mata.
Isang buwan din halos ng hindi kami nagkita. For a moment I felt relieved that I dont have to keep my feelings all bottled up, but then terrible feelings followed. I thought that, it will be my start, so I can get over her and finally move on, but I was so wrong. Akala ko matatapos na ang chapter ni Lilac sa buhay ko kapag na-annul na kami pero ipinagkanulo ako ng utak ko, at lalo na ng puso ko.
I started missing her. My heart started aching for not seeing her face for so long, not being able to talk to her, even hold her. I couldn't sleep, eat and I became miserable. I ended up drinking to stop thinking about her. I drink to numb the pain that is starting to eat me whole.
But when I am feeling hopeless, she came back. And she came over and over again until I started feeling happy again. Muli akong nabuhayan ng loob. Then I am thinking of 'what ifs' again. What if we give it another shot? What if this time 'we' will work out.
Pero bago ko pa maitanong iyon ay muli nanaman niya akong binigo.
Apat na araw na kasi ang lumipas simula ng umasa akong muli na baka may pag-asa pa kami ni Lilac. Na baka naman... baka naman pwede pa...
But the light of hope that I'm starting to feel, she unknowingly trampled over and over again. And the disappointment is too great. And worst I am even considering chasing her. Naiinis sa sariling napahugot ako ng malalim na hininga.
Pagmulat ko ng mata ay napalingon ako sa lamesa at natapunan ko ng tingin ang bulaklak na binili ko, apat na araw na ang nakararaan. Tuyot na ang ibang mga petals ng dalawang dosenang pulang rosas. Inis na napatayo ako, hinaklit ko iyon sa lamesa at itinapon sa basurahan. Sunod ay ang box ng mamahaling bracelet ang sinunod kong itapon sa basurahan. Lilac is just toying with me.
Pero mabilis ko ding binawi ang box sa basurahan kasabay ng bouquet ng dalawang dosenang pulang rosas ng makarinig ng katok sa pinto. Agad ko iyong pinatong at inayos sa lamesa kahit kinakastigo ako ng aking utak.
Tangina! Ang rupok mo Gian!
Inaayos ko ang buhok ko habang nagmamadaling tinutungo ang pinto. Huminga pa ako ng malalim bago buksan iyon. Halata ang pagkadismaya sa mukha ko ng bumungad sa akin ang nakangiting babae.
BINABASA MO ANG
The Shotgun Wedding (COMPLETED)
RomancePikot. Paano nga ba kung gumawa ka ng paraan para mapikot ang lalaking matagal mo ng gusto? Pero paano kung ang namimikot ang napikot?! Kung napikot ng pumipikot ang hindi naman pinipikot, matatawag pa ba iyong pikot?! Magulo ba? Naguluhan nga din...