48 It began

10.1K 409 44
                                    

Lilac POV

BAGO ko pa matipa ang passcode ng pinto ay kusa na iyong bumukas. Bumungad sa akin ang bagong ligo pero nakakunot noong si Gian. Tambay na ba ito ng likod ng pinto para malamang may tao sa kabilang panig?!

Sandali kaming nagtitigan. Halata ang mabilis na paghagod ni Gian ng kabuuan ko. Suot ko lang naman ay abuhing V-neck t-shirt na pinaloob ko sa tattered denim shorts ko.

"Tch! So, you were serious! Talaga bang pupunta ka dito araw-araw para makita si Snow?!" Irit niya agad sa naiinis niyang tono. Bigla ang pagtaas ng noo sa pagmamalaki.

"Sinabi ko bang para kay Snow lang?!" Balik tanong ko na lalong ikinasalubong ng kilay ni Gian.

"What do you mean by that?!" Iritang aniya na ikinakibit balikat ko lang. Bahala siya kung ano pa ang isipin niya. Napatingin ako sa loob ng condo at natanaw ang malinis na sala. Wala ni isang bakas ng kalat doon. Napangiti ako.

"Mukhang pinaghandaan mo naman ang pagpunta ko ha? Naglinis ka na." Mapaglarong aniko. Namula ang leeg ni Gian paakyat sa kanyang mukha.

"Ano bang pinagsasasabi mo diyan?! Natural lang maglinis kapag madumi na!" Pagalit na aniya kahit halata ang pagkapahiya sa mukha niya. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. Lumusot ako sa braso niyang nakaharang sa pinto para makapasok.

"Hoy! Sinong may sabing pwede kang pumasok?!" Habol pa niya pero inignora ko siya. Nakita ko agad si Snow na mabilis ding tumakbo pasalubong sa akin. Agad ko siyang kinarga at niyakap.

"How's my baby girl?! Namiss mo ba si mommy?!" Lambing ko kay Snow na sinagot naman niya ng pagdila sa mukha ko. Naupo ako sa sofa at kaagad hinimas himas ang malambing na si Snow. Naupo din si Gian sa katapat na couch.

"You can't come in here anytime you pleases, Lilac. On process ang kaso natin ng annulment. Hindi dapat tayo makita na magkasama. Ano na lang ang idadahilan mo kung bakit pumupunta-punta ka pa dito." Seryosong ani Gian habang mataman niya akong tinititigan.

"Don't fret too much about it." Pabalewala kong sagot "Ah, oo nga pala, I bought Snow some chew sticks. Okay lang ba ito?" Aniko sabay labas sa bag ko ng binili para kay Snow at itinaas iyon kay Gian. Gian sigh in exasperation but nodded. Kaya naman binuksan ko na iyon at binigay kay Snow na agad naman nitong kinagat-kagat.

Nagkahulian muli kami ng tingin ni Gian pero sabay din kaming nagbawi. Then awkward silence.
I cleared my throat.

"Nagugutom ako, wala ka bang makakain diyan?" I asked.

"Wala. You can leave. Maraming restaurant sa baba." Aniya sa supladong tono. Napasimangot ako. Tumayo ako at ako na mismo ang nagtungo sa kusina.

Gaya ng inaasahan ko ay walang laman ang ref pero may prutas si Gian sa center table kaya iyon ang pinagdiskitahan ko. Hiniwa ko ang pakwan, mansanan at binalatan ang oranges. Pagkatapos ay iyon ang dinala ko sa sala kung saan walang galaw pa ring nakaupo si Gian. Pinatong ko ang platter ng prutas sa center table. Kumuha ako ng pakwan at kinagatan iyon bago naupo muli sa kabilang panig na couch.

I crossed my legs and Gian's eyes quicky darted below. At dahil napakaikli lang ng suot kong shorts ay alam kong kitang kita ang kabuuan ng maputing legs ko. I saw his adam's apple bobbed. He looked uneasy, then he blinks a few times and shifted on his sit.

"Uhmmmm....matamis ang pakwan. Try one." I said emphasizing the moaning part, making sure I sounded sultry. Napaubo si Gian sabay muling ayos ng upo niya.

The Shotgun Wedding (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon