Lilac POV
My head is spinning and I felt like it is about to split into two when I heard a loud shriek coming from a girl. I fought my sleepiness by opening my droopy eyes, only to find a pair of frantic almond shaped pools.
Anong ginagawa ni Heart dito?! Oh Shit! Oo nga pala! Ang plano! Eto na yun!
Napangiti ako sa kawalan at muling napapikit. Kinapa ko pa ang katawan sa tabi ko at sumiksik doon. Pero may mabilis na tumapik ng braso ko.
"Lili! Bumangon ka bilis! Kailangan mo ng umalis! Bago pa sila dumating! Bilis!" Ani ng nagmamadaling boses na nagpamulat muli ng antok kong mga mata. Si Heart na balisa at kinakagat muli ang kanyang mga kuko ang nabungaran ko.
"Hearty! Ano ba! Iyon nga ang plano diba?! Let them see us! Relax ka lang dyan!" Aniko kay Heart. Medyo hindi ko pa mai-focus ang tingin ko kay Heart sa sobrang bangang ko sa nainom ko kagabi. Ang kaninang nagkakagat ng kuko na si Heart ay napasabunot na sa buhok nya.
"Ano ba Lili! Bangon na sabi! Mali tayo! Argh! Ang tanga tanga mo! Bakit si tito?! Bakit naman kasi narito sya!" Natatarantang ani Heart at malakas na hinahatak ang braso ko. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nya pero nginitian ko na lang sya at pilit binabawi ang braso ko mula sa panghahatak nya. Muling napasabunot si Heart habang tarantang sinisipat abg pinto.
"Ano bang pinagsasasabi mo?! Tagumpay na tayo Hearty! Oh my G! Baka buntis na ako sa mga oras na ito! Magkakaanak na kami ni Mawi and you... you will be an aunt soon!" Aniko habang itinuturo sya sabay hagikgik na ikinasinghap naman ni Heart.
"Shìt! Anong ginawa mo Lili?! Hindi kayo gumamit ng proteksyon?! Tumayo ka na dyan bilis! Papunta na sila! Bilisan mo!" Natataranta muling anas nito habang hatak hatak akong muli pero nabitawan din nya ako ng biglang may malakas na sigaw sa bandang pinto na nagpalingon sa aming dalawa.
Tatlong tao ang naroon at ang dalawang babae ang sumigaw. Si mama na nasa kaliwa, katabi nya si Tita George at si Mawi...
teka si Mawi?! Anong?!
Nanlaki ang mata ko ng makita ang lalaki na nakatingin din sa akin na bihis na bihis at halata ang gulat sa mukha.
Kung nandoon si Mawi?! Sinong katabi ko?!
Halos balutin ng lamig ang buong katawan ko habang nakatingin silang tatlo sa akin.
"Patay na!" Rinig kong bulong ni Heart sa aking kaliwa.
Mabilis pa sa alas kwatro kong ibinaling ang mukha ko para masilayan ang lalaking katabi ko mula kagabi. At halos panawan ako ng ulirat ng mapagsino ang lalaking iyon. Gising na din ito at walang habas na naghihikab.
"Bakit ba kayo sumisigaw dyan?! Natutulog pa ang tao eh!" Anito na halata ang pagkakalma sa pananalita nya. Nagkakamot pa ito ng hubad nyang dibdib. Kabaligtaran ngayon ng nararamdaman ko na halos malaglag na ang panga ko sa gulat habang pinapanood ang lalaki.
Oh God! What have I done?! Bakit sya?!
Daig ko pa ang binuhusan ng balde baldeng malamig na tubig sa pagtitig sa kanya. Lumingon din sya sa akin at binigyan ako ng nakakaloko nyang ngisi na para bang ipinapaalala ang mga nangyari sa amin ng buong gabi.
"Good morning babe!" Kumikindat na aniya na halos ikaputla ko naman. Hindi ko maikilos ang panga kong nalaglag at ang katawan ko ay pakiramdam ko ay nangapal at namanhid.
Diyoskopo! Binabangungot ba ako?!
"Gian Leandro! Ano ang ginawa mo kay Lilac?!" Malakas na sigaw ni Tita George na sanhi para matauhan ako. May mas malaki pa pala akong problema bukod sa lalaking ito.
BINABASA MO ANG
The Shotgun Wedding (COMPLETED)
RomansPikot. Paano nga ba kung gumawa ka ng paraan para mapikot ang lalaking matagal mo ng gusto? Pero paano kung ang namimikot ang napikot?! Kung napikot ng pumipikot ang hindi naman pinipikot, matatawag pa ba iyong pikot?! Magulo ba? Naguluhan nga din...