36 Cry me a river

8.8K 358 18
                                    

Lilac POV

Malakas na ubo ang nagpagising sa akin mula sa pagkakatulala. Napalingon ako sa gawi ni Mawi na iniluluwa ang tinimpla kong kape sa kanya.

"Lilac! Ang alat ng kape! Asin yata ang nilagay mo!" Malakas na aniya na ikinakagat labi ko.

"S-sorry... u-uulitin ko na lang." mahinang aniko. Kinuha ko mula sa kamay niya ang tasa pero bago pa ako makaalis ay mahigpit na napigil ako ni Mawi sa braso.

"Upo ka muna sa tabi ko Lili." Marahan na aniya.

"Bakit?" Aniko kay Mawi pagkaupo ko sa tabi niya. Malakas na bumuntong hininga si Mawi.

"Ilang araw ka ng wala sa sarili.  Narito ka nga pero lumilipad ang isip mo." Aniya na ikinailing ko kahit hindi naman niya nakikita.

"Ano ba iyang pinagsasabi mo?Nagkamali lang ako ng kuha kanina pagtitimpla. Akala ko asukal ang nadampot ko." Aniko sa lalaki.

"Sabi ni Heart lagi ka raw tulala sa school, napapagalitan ka na daw ng mga professors mo dahil hindi ka nakikinig, at kahit si Heart ay hindi ka makausap." Ani Mawi na ikinayuko ko na. Naramdaman ko ang masuyong paghagod ni Mawi sa aking likod.

"Do you miss him?" Aniya na ikinatunghay ko sa lalaki. Mahinang palo ang ginawa ko sabay tawa. Sana lang ay di niya mahalata ang pagkapeke non.

"Ano ka ba! Sino namang mamimiss ko?!" Pagkakaila ko sa tanong niya kahit na ba alam ko kung sino ang tukoy niya. Ilang araw na ba siyang hindi umuuwi? Ilang gabi na ba akong hindi nakakatulog ng maayos?

"Alam mo Lilac, simula ng hindi na ako makakita, tumalas na ang pakiramdam ko. At alam ko ang nararamdaman mo. Been there, done that! Stop pretending you're okay. It's okay to miss him. It's okay to tell me you want to see him. It's okay to let me know you're not okay. We are friends right? And it's a two way street. I can help you too, the way you helped me. You can confide in me too." Ani Mawi na sanhi para lumabas ang mga luha na kay tagal kong pinigil. Hindi ko inaasahang alam ni Mawi ang nararamdaman ko ngayon. I miss Gian terribly. I dont know why I miss him, now that he is gone. And it hurt so bad to know that our marriage is falling apart.

"I... I dont know what to do anymore. I just... I just feel lost." Aniko kay Mawi na agad niya akong pinaloob sa kanyang bisig habang patuloy ako sa pag-iyak.

"Alam ko sinisisi mo ang sarili mo sa nangyari sa akin kaya lagi mo akong inaalagaan. But Lilac, what happened to me will never be your fault. From now on, you dont have to feel obligated to take care of me. I can take care of myself Lilac." Aniya na ipoprotesta ko sana muli pero nilapatan niya ng daliri niya ang labi ko.

"You know what I come to realize recently? That God intended this so he can show me what I am blinded with for such a long time. He took away my sight so I can finally see with my heart what kind of a woman Miranda is. God took away my ability to walk so I could stop chasing a worthless girl. This is His way to show me how stupid I am with my decisions." he hallowly laughed. Naawa ako sa lalaki. Nagmahal lang naman siya. Bakit siya nagkaganito?

"I may be frustrated with this. I may lose hope and feel depressed or become hateful. But I promise not to take my life anymore. Kaya huwag ka ng mag-alala sa akin Lili. I dont question why I ended up being like this. I now know the reasons why and somehow I feel relieved and thankful.  My life will be a hard one, but I guess, this is for the better.  So stop blaming yourself Lilac. If there is someone to blame for all of these, it should be me. This is all my fault dahil Napakatanga at nagpakamartir ako maling tao. It has to come to this for me to realize that. This incident is an eye-opener." Pakiramdam ko sa mga salitang sinabi niya ay parang nawala ang bato na nagpapabigat sa puso ko.  Ramdam ko kasi ang sinseridad sa boses ni Mawi ng sabihin niya iyon sa akin.

The Shotgun Wedding (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon