17 Dinner

13.6K 463 34
                                    

Lilac POV

"Ano ba yang niluluto mo? Baka naman malason ako dyan?!" Aniko kay Gian na busy na busy sa pagluluto habang nakatalungko naman ako sa counter table. Ang totoo nyan ay kanina ko pa sya pinapanood at pwedeng pwede si Gian sa top chef sa tv sa bawat siguradong kilos nito sa kusina.

"Lason agad?! Pwede namang gayuma ah!" Nakakalokong anito sabay ngisi sa akin na ikinaikot naman ng mata.

"Ewan sa'yo! Magpapalit muna ako ng damit, kanina pa ako init na init sa gown ko eh." Aniko sa lalaki sabay batak sa gown ko.

"Mamaya na asawa ko, kumain muna tayo, malapit na din naman itong maluto." Ani Gian sabay labas ng isang malaking tray. Pinaglalagay nya doon ang mga niluto nya at mula sa lumabas sa may backdoor ng kusina. Bumalik sya para magdala naman ng kubyertos at pinggan at gaya kanina ay lumabas muli sa backdoor.

"Hindi ba tayo dito kakain?" Naitanong ko na lang ng muli syang makapasok.

"Doon na sa likod. Maganda doon." Aniya sa akin sabay ngiti. Muli nyng hinarap ang niluluto nya at tinikman.

"Sarap! Okay na ito. Tara na wife ko. Sunod ka na lang sa akin." Ani Gian sabay sandok sa niluto nya at inilagay sa mangkok. Lumakad na sya palabas na dala ang mga niluto nya. Walang nagawang sumunod na lang ako sa lalaki, nakalam na din naman ang tyan ko sa gutom.

Paglabas ko sa backdoor ay hindi ko inaasahan ang makikita ko. The view of the place is like that of a page in a landscape magazine. The first thing I noticed is the midnight blue sky that is full of twinkling stars, it gives the place a more romantic view. The resthouse's back are surrounded by coconut trees and some mango trees and beneath them are carefully planted flower with different colors and sizes. There were daffodills, lavanders, orchids, daisies, sunflowers and some flowers I dont even recognized. There is a path of fine and even bermuda grass that reach up to the middle of those glorious trees where Gian is standing and a made up table is set.

Hindi ko mapigilan ang mangiti sa ganda ng lugar. Aakalain mo talagang isang paraiso iyon. I started walking towards Gian with my white wedding gown rustling in the most greenest of grass. Dahan dahan pa ang paglakad ko na talagang namamangha sa paligid at may pagkaalinlangan na baka ano mang oras ay maglalaho iyon.

"You like it?" Bungad sa akin ni Gian ng marating ko na ang gitna kung saan naroon ang lamesang puno ng pagkain.

"Oo! Ang ganda naman dito! Kung maganda ang harapan mas maganda pala dito sa likod!" Manghang aniko kay Gian na malapad naman akong nginitian.

"Bagay ka talaga dito sa hardin ko kasi ikaw ang flower ko!" Ani Gian na mabilis na kumidat kindat sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mangiti sa kalokohan nya.

"Ampanget talaga ng tawag mo sa akin! Nakakasuka!" Kunwari na galit na aniko sa lalaki pero ngumisi lang sya bilang tugon.

Naglabas si Gian ng lighter at sinidihan ang mga gitnang kandila na namatay, napatawa ako sa pa-candlelight dinner na ito ni Gian.

"Para mas romantic!" Ani Gian na ang tinutukoy ay ang mga pakandila nya sa gitna ng lamesa na ikinailing ko na lang.

Napatitig ako sa lamesa namin at naroon ang niluto ni Gian na beef steak, morcon at may barbeque na pinirito at kanin na sandamakmak. Napakunot ang noo ko sa mga iyon dahil yata lahat ng iyon ay paborito ko.

"Uhm... kain na tayo. Iyan lang kasi ang alam kong lutuin kaya iyan ang niluto ko. Upo ka na." Ani Gian sabay hatak nya ng upuan sa likod ko. Naupo na lang ako doon at nagulat ako ng umupo sa tabi ko si Gian imbis na sa aking harapan.

The Shotgun Wedding (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon