Gian POV
Malakas na ibingsak ko ang baso ko ng whiskey sa lamesa ng bar. Nakakailang salin na ako sa baso pero mukhang wala pa rin akong tama. Mas lamang ang frustration ko sa lakas ng tama ng alak.
"Ano bang problema? Bakit bigla bigla kang nag-ayang uminom?" Ani Clyde, isa sa mga matalik kong kaibigan. Narito din si Howard ang bayaw ni Clyde na naging barkada ko na din at si Mawi at kaibigan nitong si Blythe na naging barkada ko na din kahit mas bata silang dalawa sa amin ni Clyde at Howard.
Madiin akong napailing at muling sinalinan ang baso ko ng whiskey.
"Huwag mong sabihing sa bago mong asawa kaya ka nagkakaganyan?!" Ani Howard na ikinatalim ng tingin ko sa kanya.
"Bakit?! masama?!" Aniko sa kanya na ikinatawa nito habang umiiling.
"Kelan ka pa namroblema sa babae?!" Ani Blythe sabay inom din ng beer nya.
"Mga gago! Namomroblema yan kasi natali na sa isang babae. Hindi na makapambabae!" Ani Howard na ikinatingin ko ng masama sa kanya habang malakas silang nagtatawanan.
"Bakit ikaw? Ngayong nagpatali ka gugustuhin mo pa ba mambabae?!" Balik tanong ko kay Howard na mabilis na umiling sabay lingon kay Clyde na mukhang hinihintay din ang sagot nya.
"Oy, faithful ako sa asawa ko! Kailanman hindi ako mambababae!" Mabilis na sagot ni Howard na ikinatango ko.
"Ganon din ako, mga sira ulo! Kahit lokoloko ako noon! Di ko magagawang lokohin ang asawa ko!" Aniko sa kanila na napatango tango naman sila.
"Eh ano palang problema mo tito?" Ani Mawi habang hampas hampas ang balikat ko.
"Ano pa edi ang asawa ko pa din!" Sagot ko na pinagtinginan nila sa isat isa. Halatang naguluhan sila sa akin.
"Mga pare, isipin nyo ha... I gave her flowers, I bear gifts, I spent money on jewelries, I even bought a fvcking teddy bear bigger than her and all she said is... I'm fvcking too late! Late na daw ako sa pagcecelebrate ng first monthsary namin as a couple?! What the hell is that?! May time limit pala yon?! Naka oras ba iyon?!" Aniko na ikinatango tango ni Clyde at Howard.
"Teka, sino ba ang unang bumati?!" Tanong ni Clyde.
"Mga pre, I dont know that monthsary even exists! Sinabihan lang ako ni Heart tungkol doon ng magtaka ako dahil galit si Lilac sa akin!" Sagot ko na kinatawa nilang lahat.
"Oo nga pala... hindi ka naman talaga naggigirlfriend!" Ani Mawi.
"Aist! Nagkagirlfriend na nga ako! Yun nga lang wala kaming ganyang monthsary monthsary! Anong akala nyo sa akin?! Alien sa relationship?!" Bulyaw ko sa kanila. Hindi talaga sila naniniwala na nagka-girlfriend ako. Hindi ko din naman sila masisisi... sinarado ko ang topic na iyon bago pa nila makalkal. I didnt talk about her.
"Alam mo pre, Late ka talaga basta unang naalala ng babae at hindi mo naalala na monthsary nyo... para sa mga babae...late na yun!" Ani Howard na ikinakamot ko ng batok sa sobrang inis.
"Hay! Isipin mo pare lagpas isang buwan na din akong celibate! Akala ko makakaiskor na ako eh! Naunsyami pa gawa ng late monthsary na yan!" Anunsyo ko na ikinahagalpak na nila ng tawa. Isa isa ko silang tinignan ng masama.
"Mga gago kayo! Tumigil kayo dyan!" Bwisit na sita ko sa kanila habang tuwang tuwa sila sa anunsyo ko.
"Ampota! Si Gian na araw araw may inuuwing babae, celibate ng mag-asawa na!" Ani Blythe na ikinatingin ko ng masama sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Shotgun Wedding (COMPLETED)
RomantizmPikot. Paano nga ba kung gumawa ka ng paraan para mapikot ang lalaking matagal mo ng gusto? Pero paano kung ang namimikot ang napikot?! Kung napikot ng pumipikot ang hindi naman pinipikot, matatawag pa ba iyong pikot?! Magulo ba? Naguluhan nga din...