16 The resthouse

14K 402 60
                                    

Lilac POV

Napabuga ako ng malalim na hininga sa sobrang inip at inis. Ikaw ba naman ang paghintayin sa loob ng kotse suot suot ang masikip at mainit na wedding gown habang nakikipag usap si Gian sa isang matandang lalaki sa tabi ng kalsada. Mukhang ipinapakita ni Gian ang makina ng puting vintage car na dala dala namin. I guess he is negotiating something to the old chinese guy he is talking to.

Nakakaimbyerna sya talaga! Akalain mo bang hindi kami tumuloy sa reception para lang pala makipag usap sya sa isang matandang intsik! He is unbelievable! Nakakairita! Sobra.

Salubong ang kilay at nakahalukipkip na nakatingin lang ako sa kanila at ng makitang mukhang nagpapaalam na si Gian, nakipagkamay pa ito at ngiting ngiti sa kausap.

Sa wakas ay pabalik na si Gian sa driver's seat at paalis na rin ang matandang intsik na kausap nito.

"Pasensya na asawa ko, pabalik na kasi si Mister Chow sa Hongkong at kinatagpo ko na lang sya sa daan bago pa sya lumipad. Malaking investor kasi sya kaya hinabol ko. Success naman at mag-iinvest sya sa business naten! Nainip ka ba?" Paliwanag ng lalaki na ikinataas lang ng kilay ko.

"What do you think?!" Mataray kong sagot sa kanya. He chuckled with my response then he shook his head while a smug smile is on his lips.

"Clingy ka na talaga noh? Ayaw mo na sigurong malayo sa akin." Ani Gian habang hinihimas ang baba nya.

"Oh for the love of God! Stop talking nonsense! Just fvcking drive and let's be on our way!" Iritang aniko sa lalaki. Gustong gusto ko na kasing magpalit ng damit dahil makati na ang lace gown na suot ko bukod pa sa ang init at nanlalagkit na ako sa pawis. Nakadagdag pa sa init ng ulo ko ang puro pang-aalaska ng manyak na ito.

"Okay! Okay! Atat ka na talagang matikman ako! I'll give in to everything you want, babe!" Mapang asar na sagot nito habang binubuhay ang engine. Napairap ako sa sinabi nya. Alam kong nagplano ang mga magulang namin na sinang ayunan naman ni Gian na sa Quezon daw kami magha-honeymoon. Hinayaan ko na lang silang magplano dahil wala din namang mangyayari kahit tumutol man ako sa kagustuhan nila. My mom even packed my bags and I saw it securely sitting on the backseat of the car.

"I want to cut your tongue to shut you up! Will you give in?!" Nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya habang umuusad na ang kotse namin.

"I'll give in only if you will let me lick you all over and then you can bite my tongue to your heart's content!" Ani Gian sabay lingon at kindat sa akin. Napangiwi ako sa sinabi nya na nauwi din sa pag irap. I feel my cheeks heating up.

Lick me all over!? Shìt lang ang lalaking ito!

"You're such a perv! Stop talking to me!" Iritang sagot ko sa lalaki sabay lingon sa bintana ng kotse. Narinig ko naman ang malutong na pagtawa ni Gian.

Ilang oras pa ay nagpaparke na si Gian sa isang malaking kulay puting resthouse sa tabi ng dagat. Mabilis ako napababa at namangha sa tanawin.

The view was overwhelmingly beautiful with the sun's golden disk disappearing below the horizon of calm ocean and being reflected by the water creating a marvelous sight. The hues color of boundless masses of crimson, orange, scarlet and purple scattered around the sky giving it a heavenly beauty. I look around the ground and saw the same unearthly view of scattered yellow daffodills, daisies and lavander covering almost all the ground near the white resthouse. The place is amazingly breathtaking.

"Nagustuhan mo ba?" Ani ni Gian kaya napalingon ako sa kanya at nakitang titig na titig sya sa mukha ko. Hindi ko naman maiwasan ang madala sa ganda ng paligid at mapangiti.

The Shotgun Wedding (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon