Lilac POV
Nasa malalim akong pag iisip kung paano matatakasan ang sitwasyon ko ng biglang tumigil ang kotse.
"Nandito na tayo." Anunsyo ng binata. Napatingin ako sa hinintuan namin para lang umikot ang eyeballs ko. Narito kasi kami ngayon sa mansyon namin. Ihahatid lang pala ako ng lalaki, hindi pa sinabi kanina pa.
"Tara na, future wife ko." Anito habang pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse nya. Inirapan ko lang sya at bumaba. Nauna na rin akong dumeretso sa bahay at iniwan ang lalaki na nakasunod lang sa likod ko.
"Narito na pala sila." Anas ni Tita George na ikinatigil ng paglakad ko. Napalinga ako sa paligid para lang mapatda. Naroon kasing lahat ang pamilya ko kasama na ang Mackelroys. Naroon din ang magulang ni Tita George at Gian. Nanlamig ang buong katawan ko ng mapagtanto kung ano ang nangyayari.
Inakay ako ni Gian ng makita nyang natulos na ako at di na ako gumagalaw sa pagkakatayo sa may pinto.
Umupo kami sa harapan ng mga magulang ko at magulang ni Gian. Naroon din si Mawi at ang asawa ni Tita Georgina na si Tito Callum.
"So... now that the kids are here, we can start to plan about the upcoming marriage, pero bago ang lahat gusto ko sana humingi ng pasensya sa pamimikot ng anak ko sa anak ninyo..." panimula ni Papa na ikinasinghap ko.
"Papa!" Protesta kong tawag pero natikom ko ang bibig ko ng tignan ako ng matalim ni Papa. Nakakatakot ang itsura nya ngayon na nagsasabing hindi ko sya pwedeng salungatin.
Pikot talaga?! Whattafvck!
"I'm sorry about my daughter's behavior Mr and Mrs. Pitonghari, rest assured that we never raised her like that. She will be of her best behavior and will become a dutiful wife to your son." Dugtong ni Papa.
"Ayos lang iyon, ang anak ko naman ay may kasalanan din. Alam naming bata pa ang anak ninyo kaya kami ay narito para humarap at humingi na rin ng paumanhin. Napag usapan na din naman namin na pananagutan naman ni Gian ang anak nyo. At ang tanging ipinunta namin dito ay para magkasundo tayo sa petsa." Anas naman ng Papa ni Gian.
"We want it next month, if all of you will agree?" Anas ni Papa na muli kong ikinasinghap.
"Next month?! Are you kidding me?!" Hindi ko napigilang ibulalas.
"Next month is alright with me. Kahit pa nga next week." Ani ni Gian sabay kindat sa akin. Napabuga ako ng hangin sa bibig sa sobrang inis sa sinabi ng binata at mas nainis ako ng ngumisi pa ito sa akin.
"Future wife ko, alam ko mas gusto mo pa ng mas maaga kaya nga pinikot mo na ako, pero magpe-prep pa tayo. I want a wedding that you deserve." Anas ni Gian na halos gusto kong masuka ng marinig ko. Halata naman sa itsura nito na nang aasar lang sya sa mga pagngisi nito.
"Awww... ang sweet naman pala ng magiging asawa mo, anak!" Bulalas naman ni Mama na nagpasentido sa akin.
If you only knew!
"Thank you po Ma!" Sagot naman ni Gian sa mama ko na ikinasimangot ko at ikinatawa naman ni Mama.
"I have my schooling... paano na ang pag-aaral ko?!" Apela kong muli sa magulang ko pero halos maggitgitan na ang ngipin ko ng muling sumabat si Gian.
"Dont worry future wife ko, ipagpapatuloy mo naman ang pag-aaral mo. I wont stop you, magiging supportive na asawa ako." Malambing na ani Gian sabay himas sa braso ko na mabilis ko naman piniksian. Sumiksik ako palayo sa upuan ng katabi kong asungot, na sanhi para mahinang magtawa ang lalaki sa ginawa ko.
BINABASA MO ANG
The Shotgun Wedding (COMPLETED)
RomancePikot. Paano nga ba kung gumawa ka ng paraan para mapikot ang lalaking matagal mo ng gusto? Pero paano kung ang namimikot ang napikot?! Kung napikot ng pumipikot ang hindi naman pinipikot, matatawag pa ba iyong pikot?! Magulo ba? Naguluhan nga din...