50 P.k.t

11.7K 448 64
                                    

Gian POV

Tatlong linggo na ang nakalipas simula ng magpabalik-balik ako sa bahay ng mga Trenton. Nanliligaw ako, hindi kay Lilac kundi sa mga magulang niya. Pero matigas pa din si Mama Sofie. Ayaw niyang payagan na magkita kami ni Lilac at mas lalong hindi nito tinatanggap ang sinsero ko na paghingi ng tawad. Noong una naman ay pinagbantaan ako ng papa ni Lilac habang kinakasa ang baril niya sa aking harapan, pero kalaunan ay nakikita ko na rin ang pagmamalasakit nito. Tinanguan na lang ako nito ng makitang nag-aabang akong muli sa may pinto nila.

"Magandang gabi po Mama, Papa." Bati ko sa kanila ng makita silang umibis ng kotse. Inabot ko ang bungkos ng rosas at isang box ng paboritong chocolate cake ni Mama Sofie. Agad tumaas ang kilay sa akin ni Mama Sofie pero hindi niya iyon tinaggap. Mabilis na inabot naman iyon ni Papa.

"Sala..." di na natapos ni  Papa ang sasabihin ng nagsalita agad si Mama.

"Nandito ka nanaman?! Sinabi ko na di'ba? Tuloy ang annulment at tigilan mo na ang anak ko! At pwede ba?! Don't call me mama!" Pasinghal na sabi ni Mama Sofie.

"Ma, sana po mapatawad niyo po ako. Sana bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon para mapatunayang tunay po ang pagmamahal ko sa anak ninyo. Mahal na mahal ko po si Lilac at hindi ko alam paano po titigil." Pagsusumamo ko. Umikot ang bilog ng mata ni Mama Sofie at dinaanan akong parang hangin. Napa-iling lang muli sa akin ang papa ni Lilac.

"Let's go, Red." Aya ni mama sa asawa na ikinatalima din nito pero bago iyon ay mahinang bumulong siya sa akin.

"Nagustuhan namin iyong dala mo kahapong bibingka. Naubos ni Sofie." Anito sabay kindat pagkatapos ay mabilis na sumunod sa asawa niya. Nakita ko ang mahinang paghila ni Papa sa braso ni Mama na ikinatigil nito sa pagpasok sa pinto ng bahay.

"Baby, bakit hindi natin hayaang mag-usap ang dalawa. Baka naman maayos pa nila ang buhay mag-asawa nila. Sino tayo para humadlang kung talagang nagmamahalan ang mga bata." Rinig kong pabulong na ani ni Papa sa asawa niya pero halatang ipinaparinig niya sa akin. Pinanlakihan siya ng mata ni Mama Sofie.

"Isa ka pa! Hindi mo kasi nakita kung paano pinaiyak ng lalaking iyan ang anak natin!" Pagalit na singhal ni Mama Sofie.

"Pareho naman silang nagkasakitan. Tignan mo siya... Wala ka bang naaalala kay Gian?! Tignan mo, parang ako lang din siya noon. Ganyan na ganyan din ang ginawa ko para matanggap ng daddy at mommy mo." Ani Papa na ikinalingon muli sa akin ni Mama Sofie.

"No! Not even close! Hindi ka katulad niyang babaerong iyan! Pinagkatiwala natin ang anak natin sa kanya pero sinaktan lang niya!" Gigil na ani Mama Sofie.

"Sofie, may kasalanan din naman ang ating anak." Mahinahong sabi ni Papa.

"Kanino ka ba talaga kampi?!" Pinanlakihan siya ng mata ni Mama Sofie.

"Wala naman akong kinakampihan baby, ang sa akin lang, nagkapatawaran na rin naman sila. Sana magawa din nating mapagtawad. Kaligayahan ng ating anak ang nakataya." Kumbisi nitong muli.

"At ako? Sa palagay mo, hindi ko ba iniisip ang kaligayan ng anak ko?!" Nakapamewang na singhal ni Mama Sofie kay Papa Red. Napakamot ng ulo si Papa Red. Hindi na nakasagot si Papa kaya sumingit ako sa usapan nila para muling kumbinsihin ang mama ni Lilac.

"Ma, mahal na mahal ko po ang anak ninyo. Sana po ay pagbigyan niyo kami na muling lumigaya sa piling ng isa't isa." Singit ko.

"Nag-uusap kaming mag-asawa! Huwag kang sabat ng sabat!" singhal ni Mama Sofie na ikinatiklop ko naman.

The Shotgun Wedding (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon