25 At last

15.6K 562 82
                                    

Gian POV

Abot hanggang tenga ang ngisi ko pagpasok ko ng elevator. Siniksik ko ang sarili ko sa dami ng nakasakay. Atat lang akong ikasatupatan ang tinuro sa akin ng mga gago kong kaibigan. Sana lang effective kundi pagtutuktukan ko sa bumbunan ang mga sira ulong iyon. Papito pito pa ako habang nilalaro ang susi ng kotse sa daliri ko sabay pindot ng floor ng condo namin ni Lilac ng may biglang kumalabit sa akin. Napapikit ako at nangibit ang labi ko. Alam ko ng isa nanaman ito sa mga babaeng dumaan sa buhay ko.

"G!" Rinig kong anas ng matinis na boses na ikinalingon ko sa likod ng elevator. Tumabi ang ilang pasahero para magbigay daan sa babae na mabilis namang ikinalapit ng babae sa akin. Mabilis na kumapit sya sa braso ko.

"G! Akala ko wala ka na sa building na ito! And OMG! who's the scary girl claiming to be your wife?!"

Ikaw, sino ka ba?!

Gusto kong itanong sa babae pero that would be so ungentleman-like kaya napakamot na lang ako sa batok ko ng mas lalong idinikit ng babae ang katawan nya sa akin. Mapang akit na inuuntog nya ang dibdib nya sa braso ko. I know what her actions meant at siguro kung single lang ako papatulan ko ito pero hindi na eh. I maybe a damn fvckboy before pero iba na ngayon, nagbago na ako at kusa na lang iyon at hindi pinilit. Nagbago ako para kay Lilac. Ibinuka ko na ang bibig ko para tumanggi ng may nauna ng nagsalita sa likod namin na lalo kong ikinatulos.

"You mean... this scary girl?!" Ani ng sarkastikong boses na ikinasinghap ng babae sa tabi ko. Pareho kaming napatingin sa likod ng elevator. Gumilid ang isang matangkad na matandang lalaki at doon ay nanlaki ang mata namin sa nakatayo at galit na anyo ni Lilac. Mabilis na napabitaw sa akin ang kanina'y kapit na kapit na babae at lumayo. Siya namang siksik ni Lilac at tumayo sa tabi ko. Kita ko ang mapang uyam nyang tingin sa namutla na babae habang irap naman ang binigay nya sa akin.  Napangiti ako sa ginawa nya.

Bakit ba ako natutuwa tuwing nakikita kong umiirap ang aking asawa ko sa akin?! Bakit ba parang kinikiliti ako kapag nagseselos siya?! May sira na nga yata din ang tuktok ko...

Muntik ko ng makalimutan ang kanina'y planadong gagawin ko kaya mabilis na inakbayan ko si Lilac.

"Oh nandito pala ang asawa ko eh! Hik! Napaganda niya diba?! Akin siya! Walang aagaw! Hik!" Pagkukunwari kong lasing sabay hahalik sana ako sa pisngi nya ng mabilis nyang pigilan iyon gamit ang palad nya. Napitpit ang nguso ko pati ilong sa maliit niyang palad, dumiin naman ang daliri niya sa dalawang mata ko. Paniguradong mamumula iyon.

Tsk! May pagka-Ate George din itong asawa ko eh! Mapanakit!

"WTH! You are reeking with alcohol! Ewww!" Maarteng ani Lilac habang pilit inilalayo ang mukha ko sa mukha nya. Lihim akong napapangiti. Halos ipabango ko ang alak kanina mag amoy lang akong lasing na lasing at sulit dahil mukhang kumagat si Lilac.

Bumukas ang pinto ng elevator at mabilis akong iniwan ni Lilac, walang nagawang sumunod na lang ako sa kanya habang pinapanood ang pag-sway ng maganda nyang balakang sa bawat hakbang niya.

Pumasok si Lilac sa condo kaya mabilis akong napasunod. Paglingon niya ay mabilis akong nagkunwari na susuray suray. Ginalingan ko pa at kunwari'y malapit na akong bumagsak sa sahig na mabilis naman nitong ikinalapit sa akin at inakay niya ako. Lihim akong nagbubunyi at lalong kumapit sa nakakaakit na katawan ng asawa ko. Namiss ko siyang mayakap ng ganito. Pinigil ko ang tawa ko ng maglitanya na siya. Gusto kong muling kiligin at sitahin siya na nagseselos lang siya pero dapat lasing ako. Mabubuking ako kapag nagsalita ako ng malinaw.

"G!?! Ha! Parang napakahaba ng pangalan mo para bigkasin ng malanding iyon! Two syllables lang naman. Di bale sana kung Gregorio o Graciano pwede niyang paikliin!" Anito habang tinutulungan akong papasok ng condo.

The Shotgun Wedding (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon