Lilac POV
Its been three days since Gian and I got married and at this early... I'm regretting even saying I do!
Simula ng may nangyari sa amin on our honeymoon on his resthouse ay hindi ko na ulit nakasama ang binata.
Nagmamadali sya kinaumagahan ng may biglang tumawag dito at nagpaalam sa akin na may problema sa business nya. Simula non ay hindi na ito nakabalik. Nagpasundo lang ako sa driver ko para makabalik ng Manila dahil may pasok na ako ngayon.
Nganga for three days ang nangyari sa akin sa resthouse buti na lang at nandoon si Arturo para may makausap ako. Hindi nga lang ako masaya na makasama ang nakakasirang araw na mga mukha ng alaga nitong aso.
To say that I'm angry is to put it lightly. I'm over the roof furious!
Ang kapal ng mukha nyang iwan ako kinaumagahan at magpaalam na parang walang nagyari kagabi!
Ang kapal nya talaga!
"Ah... asawa ko, I need to go but I'll be back before you know it. Keep this bed warm alright? I'd still want a lot of round!" Mimic ko sa sinabi ng binata bago nya ako iwan tatlong araw na ang nakararaan. Kung sinunod ko ang gusto nya malamang nagkaugat na ako sa kama, hindi pa rin sya nakabalik.
And that 'I'll be back before you know it' took him three fvcking days and still counting! Fvck him!
"Grrr! Shìt! Bwisit ka talaga! Bwisit!" Inis na aniko habang sinasaksak ng tinidor ang walang kalabanlaban kong pesto pasta.
"Huy! Ayos ka lang? Anyare?" Ani Heart sa akin habang nagtatakang nakatingin sa akin habang sumisipsip sya sa chocolait nya. Narito kami sa madalas naming tambayan na cafe na katapat lang ng school.
"Ang tito mo ang nangyari! Di ka pa ba aware?!" Iritang aniko sa kanya. Napakagat labi si Heart sa sagot ko.
"Ano ba kasing nangyari? Naghoneymoon lang kayo busangot ka ng bumalik? Di ka naman ganyan nung pinikot mo sya ah. Sayang saya ka dati. Anyare sa honeymoon?." Ani Heart na may pagbibirong tono. Kahit inis ay namula ako sa pag-alala sa unang gabi namin pero kainin na ako ng lupa pero hindi ko iyon ikukwento kay Heart.
"Wala! Alam mo bang iniwan ako ng magaling mong tito ng tatlong araw sa resthouse?! I was alone there for three fvcking days! And up until now I dont know where he is!" Iritang sagot ko sa kanya na ikinatigil nya sa pagsubo.
"Talaga? Ang loko naman ni Tito Gian, pero teka, bakit parang galit na galit ka yata? Wait, Galit ka ba dahil iniwan ka o dahil nabitin ka?" Ani Heart habang pakindat kindat sa akin.
Pakiramdam ko nasapol ako ng kaunti. Bakit nga ba naghihimutok ako? Kung iniwan ako pwede naman ako umalis don ng mag isa. It's just a one call away from my driver pero... pero kasi... ugh!
"Ano bang pinagsasasabi mo dyan Heart?! Your uncle is clearly an unfit husband! Iyan ang kinaiirita ko! And I'm definitely regretting marrying him!" Sagot ko kay Heart sabay muling pinagbuntunan ng inis ang pasta ko.
"You both will get used to each other. Malaking pag-aadjust kasi ang kailangan nyo... biruin mo naman, hindi naman kayo, pero kinasal kayo agad! Masasanay ka rin at siguro hindi pa din sya sanay sa'yo, syempre naninibago yun, tagal nyang binata eh." Ani heart sabay kindat sa akin.
"Pwede ba, stop making excuses sa Tito mong gago!" Nakataas ang kilay na aniko kay Heart.
"Oh narito na pala si gago este si tito! Malamang sinusundo ka na!" Ani Heart na mabilis na ikinapaling ng mukha ko sa direksyon kung saan nakatingin si Heart.
BINABASA MO ANG
The Shotgun Wedding (COMPLETED)
RomantiekPikot. Paano nga ba kung gumawa ka ng paraan para mapikot ang lalaking matagal mo ng gusto? Pero paano kung ang namimikot ang napikot?! Kung napikot ng pumipikot ang hindi naman pinipikot, matatawag pa ba iyong pikot?! Magulo ba? Naguluhan nga din...