Lilac POV
"I like you enough to have sex with only you."
Paulit ulit ang mga salitang iyon sa isip ko habang patuloy lang sa pagsasalita ni Heart sa aking tabi.
"I like you enough to have sex with only you."
Ano ba ang ibig niyang sabihin?! Hindi ko na kasi nalinaw iyon dahil agad din akong natangay sa galing ni Gian sa kama. He can really make me lose my mind with his exceptional prowess in bed.
"I like you enough to have sex with only you."
Does that mean that we are on the same boat?! That we only like the sex?! He likes me enough to have sex with me?! Kung tama ang interpretasyon ko. Gusto niya ako dahil sa sex.
"...with only you."
Only me?! Abay natural! Alangang humanap pa siya ng iba! Eh nabibigay ko naman! Nakakaiskor naman siya sa akin!
Malakas na ginulo ko ang ulo ko na para bang mawawala lahat ng nasa isip ko kung gagawin ko iyon.
"Hoy lili, okay ka lang?" Ani ni Heart sabay tampal niya sa pisngi ko. Tinignan ko siya ng masama.
"What?! Hindi ka nakikinig sa akin eh! Halata namang nasa iba ang isip mo. I wonder who it is..." Nagkibit balikat si Heart sabay subo ulit ng blueberry cheese cake niya. Napairap na lang ako sa kanya.
Ang totoo niyan ay gusto kong magkwento ng lahat lahat kay Heart. Bestfriend ko siya eh. Pero ngayon, naiilang na ako dahil ang gusto kong ikwento ay tungkol sa tito niya. That woud be so awkward for her. Napabuntong hininga na lang ako sabay subo din sa blueberry cheesecake ko."Pumasok ba si Mawi?" Tanong ko kay Heart. Habang pinagmamasdan ang mga tao sa café na madalas naming tambayan.
"Oo. Pumapasok na ulit siya. Naghahabol pa nga sa klase." Ani Heart sabay subo ng inorder niyang cake.
"Kamusta na siya? Alam mo na bang hiwalay na sila ng girlfriend niya?" Aniko na ikinatigil sa pagnguya ni Heart.
"Ano?! Naghiwalay ba sila?! Ang sweet kaya nila kagabi!" Nagtatakang sagot niya.
"Sweet? Paanong mangyayari iyon eh naghiwalay sila?!" Mas naguguluhang sagot ko. Napasimangot si Heart habang nakatingin lagpas sa akin.
"Look for yourself!" Ani Heart sabay nguso sa pinto ng café kaya napalingon ako doon.
At mula doon ay pumasok nga si Mawi kasama si Miranda. Ako naman ang napasimangot. Ramdam ko ang sobrang pagkainis at gusto ko na lang manapak. Naramdaman marahil ni Mawi ang titig ko ng mapatingin din siya sa gawi namin. Ngumiti siya at itinaas niya ang kamay niya para kumaway. Hindi ko naitago ang pagnguso ko sabay bawi ng tingin.
"Ganyan ba ang naghiwalay?! Nakanguso ding sambit ni Heart. Mukhang hindi niya din gusto si Miranda para sa kuya niya. Mas lalo na ako!
"Andito pala kayo..." ani Mawi pagkalapit sa amin. Humatak siya ng upuan at pinaupo si Miranda sabay naupo na din siya sa tabi nito. Magkatapat tuloy kami ng babae niya. Napatitig ako sa mukha ni Miranda. Agad kong naikumpara ang sarili ko. At sigurado ako, di hamak na mas maganda ako sa babae. Ngumiti siya sa akin kaya naman sinuklian ko siya ng pekeng ngiti na pwede ng pumasa na ngiwi.
BINABASA MO ANG
The Shotgun Wedding (COMPLETED)
RomancePikot. Paano nga ba kung gumawa ka ng paraan para mapikot ang lalaking matagal mo ng gusto? Pero paano kung ang namimikot ang napikot?! Kung napikot ng pumipikot ang hindi naman pinipikot, matatawag pa ba iyong pikot?! Magulo ba? Naguluhan nga din...