Gian POV
So what if she's here?! I dont fvcking give a damn! Wala akong pakielam! Wala akong pakielam! Wala akong pakielam!
I kept repeating those words in my head as I swigged the glass of bitter scotch down my throat, wincing at the burning sensation it brought.
"Hindi ka mauubusan pare! Hinay hinay lang. Baka naman gusto mo lasing ka kapag nagkaharap kayo. Baka bigla mo siyang yakapin imbis na iwasan mo." ani ng nagtatawang si Blythe sabay kuha ng bote ng scotch at mabagal na naglagay sa baso niya. Masamang tingin ang ibinato ko kay Blythe na ikinangisi nito.
Sinabi niya sa akin kanina na nakita niya si Lilac at si Heart dito sa resort. Na sa katabing kwarto pa niya ang kwarto ng mga ito kaya sigurado siyang nakita niya. Noong una ay hindi ako naniniwala hanggang sa makumpirma ko iyon ng tanungin ko ang may-ari ng resort na ito na matagal ko ng kaibigan na si Bianca Samuels.
"Paano ba niya nalaman na nandito ako?! Sinabi mo ba?!" Galit na aniko. Napangiwi siya.
"Hindi ko sinabi sa asawa mo ha! P-Pero nabanggit ko kay Mawi na nandito ka, sabi niya kasi pauwi din siya dito sa probinsya. Baka lang naman gusto niyong magka-ayos? Malay ko bang sasabihin ni Mawi na nandito ka at sinama pa niya ang misis mo dito." Ani Blythe.
Tch! Susundan at susundan pa rin talaga ng babae iyon kung saan man magpunta si Mawi! Fvck! Bahala sila sa buhay nila! Wala akong pakielam!
"Pre, mukhang iinit na ang mga gabi mong malamig." Nagtatawang ani Bythe na ikinakunot ng noo ko sa kanya.
"Nah! That's not gonna happen. I'm over her. Nagsawa na ako sa kanya. You know me, I get easily bored with women. She maybe my wife but she's nothing special. Magpapa-annul din kami." Mayabang na aniko sabay ngisi kay Blythe na pailing iling sa akin.
"Sabi mo pre eh. Basta ako may partner, di ba, Honey?!" Binalingan na niya ang girlfriend niya at nilandi iyon sa harapan ko. Napasimangot ako sa harap harapang pang-iingit ng binata habang nakakaloko niya akong sinusulyapan.
Ako maiingit?! No way! What's good with being in a relationship anyway?! Asawa?! Tch! Titulo iyon ng mga babaeng pakikielaman lang ang buhay mo! Para akong may nanay na kailangan pagpaalaman ng mga pupuntahan ko at nagagalit kapag ginagabi ako?! I felt out of place in my own home after she decorated it! Isa pa, Kailangan ko pang regaluhan buwan buwan, i-date, sunduin at ihatid! Suyuin at lambingin! Tch! I've done all that and for what?! Nada! Not even an appreciation from all the things I did for her and for all the things I changed in my life because of her. Tama na! Ayoko na! And If my nights turn cold, I can easily get any woman to warm my bed! I dont need her! She's nothing special!
Muli akong nagsalin sa baso ko ng scotch at mabilis na ininom iyon. Pero malakas na naibuga ko din ang alak ng tamaan ng mata ko ang babaeng palapit sa akin. Nag-uubo-ubo ako sa pagkasamid sa matapang na alak habang hindi ko maialis ang mata ko sa babaeng halos kita na pati kaluluwa sa suot nitong makintab na two-piece bikini na pinatungan lang ng see-through na puting balabal.
"Ayan na nga bang sinasabi ko eh! She's nothing special pala ha." Rinig ko ang panunukso sa tinig ni Blythe habang hinihimas niya ako sa likod. Hindi ko naman maialis ang mata ko sa paninitig sa hukab na hukab at kakarampot na tela na iyon sa bawat mayaman kurba ng babaeng palapit. Bawat paghakbang nito ay napakasenswal tignan. Sa bawat agwat na pinapaliit nito mula sa kinauupuan ko ay siyang paglakas ng pagtahip ng dibdib ko. Napasuntok ako sa dibdib ko, hindi ko maintindihan kung dahil sa pag-ubo ko o dahil sa pagtahip ng dibdib ko. Noon at ngayon ay ganoon pa din ang epekto sa akin ng babae. Ang kakaibang pagbilis ng tibok ng puso ko na siya lamang ang nakakagawa at ang paglabnaw ng utak ko na tanging siya lamang ang nagiging laman.
BINABASA MO ANG
The Shotgun Wedding (COMPLETED)
Storie d'amorePikot. Paano nga ba kung gumawa ka ng paraan para mapikot ang lalaking matagal mo ng gusto? Pero paano kung ang namimikot ang napikot?! Kung napikot ng pumipikot ang hindi naman pinipikot, matatawag pa ba iyong pikot?! Magulo ba? Naguluhan nga din...