32 Heart aches

9.3K 325 20
                                    

Lilac POV

Mabilis ang mga kilos ko ng inilalagay sa tupperware ang lahat ng ulam na niluto ko. Sumulyap ako sa orasan at napakagat labi habang mabilis na ipinapasok lahat ng tupperware sa insulated food storage ko. Nahagip ng mata ko ang lalaking palabas ng pinto kaya agad ko siyang tinawag.

"Gian! Pupunta ako kay Mawi? Sasama ka?" Mabilis na tanong ko. Lumingon lang sa akin si Gian pero agad din siyang lumabas na para bang walang narinig. Napabuntong hininga ako sa inaakto ni Gian. Its been four weeks since the accident. And in that four weeks Gian became cold to me. I dont know why but I guess he blames me for what happened to his nephew. And that thought alone makes my heart ache so much. He didn't say anything to me but him being distant and aloof is enough proof for me to say that he blames me. And I'm too afraid to asks him if he does because deep down I felt guilty. Guilty because I was there. I was the one who told Mawi about his cheating girlfriend which provoke him to rush to her by driving fast inspite of being drunk. I quite understand, I would blame me too if I were him.

Nanlulumong isinara ko ang container at kinuha ko lang ang wallet ko at nagmamadaling lumabas ng condo. I set aside why I felt so rejected and hurt by Gian's actions and try to focus my mind towards Mawi. Mawi needs me now more than ever. Mawi suffered a broken arm and leg because of the accident and there were shards of glass that entered his eyes. He was quickly operated to take the shard glasses out of his eyes but the doctors said there is still a possibility that he could go blind. Mawi is now bedridden with his arm and leg in a cast and blinded because of the bandages in his eyes. Awang-awa ako sa nangyari kay Mawi at lubos  ang pagdurusa ko dahil ako ang dahilan ng mga iyon. Gabi gabi akong umiiyak at araw-araw naman akong nagpupunta sa condo ni Mawi para alagaan siya.

Heart, Tita George and Tito Callum were brokenhearted with the tragedy and they wanted Mawi to stay with them but Mawi insisted to be alone. Walang nagawa sila Tito at Tita kung hindi bigyan na lang ng lalaking nurse si Mawi para makakasama nito at mag-aalaga sa condo ng binata.

Pinagbuksan ako ng payat na lalaking nurse ni Mawi at pansin ko ang pamumula ng kanyang mga mata na animoy galing lang sa pag-iyak. Nahihiyang yumuko ito at pinapasok ako sa loob ng condo para lang matagpuan sa sala ang umiiyak din na si Tita George habang inaalo naman ito ni Tito Callum. Napansin ako ni Tito Callum kaya ngumiti ito ng bahagya sa akin.

"You're here." Aniya na ikinahinto ng paghikbi ni Tita George. Agad itong tumalikod para magpunas ng luha niya. Sanay na din siguro sila sa presensya ko dahil panay naman kaming nagkikita dito sa condo ni Mawi.

"Dinalhan ko po ng pagkain si Mawi." Nahihiyang aniko sabay taas ng dala kong food storage. Malungkot na ngumiti sa akin si Tita George.

"I'm glad you're here Lilac. Ikaw lang yata ang gusto ni Mawi na magpakain sa kanya." Banaag ko ang tampo at lungkot sa tono ni Tita George kaya nahihiyang ngumiti na lang ako sa kanya.

"Pasok ka na Lilac. Mawi is not in a good mood today. Maybe your presence can change that." Ani naman ni Tito Callum na tinanguan ko lang at pumasok na sa kwarto ni Mawi.

"Get out!" Pagkabukas ko pa lang ng kwarto ay bulyaw na agad ng lalaking nasa loob.

"It's me." Sagot ko naman na ikinahinahon ng binata. His disappointed sigh is my cue to enter. Inayos ko na agad ang tray na laging naroon at inilapag iyon sa ibabaw ng hita ng binata.

"Pinaiyak mo nanaman si Tita George!" Nakangusong sita ko sa himig na kunwari ay nagtatampo. Pumalatak lang si Mawi. Mawi has changed a lot. Hindi na siya ang masayahing si Mawi na dati'y walang ginawa kundi ngumiti. He became grumpy, hateful and hard to deal with.

"Nag-aalala lang sila sa'yo! They love you that much Mawi." Dagdag ko pa sa binata habang inaayos ang pagkain sa harapan niya. Inilalabas ko iyon mula sa tupperware na dala ko at isa-isang binubuksan.

"They want me to undergo another operation. I dont want it! I just want to..."

"Die?! You just wanted to die?!" Pagtatapos ko sa sasabihin niya. I knew it because he said it a lot of times to me. I dont know if he finds it easier to tell me those things. It made me felt even more guilty everytime he said it.

"Masisisi mo ba ako kung iyon ang gusto ko?! For Godsakes Lilac! Look at me!" Mapait na aniya kaya napapikit na lang ako sa sakit na nadarama ko sa pag-unawa sa nararamdaman ng binata ngayon. Pero hindi na tama. Kahit kailan ay hindi magiging tama ang gusto nitong mangyari. He is suicidal and that makes me worry so much.

"You still look handsome to me! Alam mo naman na crush kita noon pa!" Aniko para lang lumakas ang loob nitong unti-unti ng pinapatay ng nangyari sa kanya. The words I said somehow flattered Mawi. Napailing ito na para bang nagustuhan niya ang sinabi ko pero ayaw niyang aminin.

"Look Mawi, Your bones will heal And you will see again! Ilang beses ko bang sasabihin iyon sa'yo. Just take the operation and everything will be alright. Babalik sa dati ang lahat. Trust me." Mawi only sneered at what I said. It was obvious that he doesnt believe it. He is frustratingly stubborn and hopeless. Pero ayoko siyang sukuan.

"Kumain ka na nga lang." pag-iiba ko ng tinatakbo ng usapan namin ng makita kong hindi naman interesado ang binata sa mga sinasabi ko. At mukhang matagal pa bago ko siya mapapayag sa operasyon niya. His mind is made up to just give up on himself and that's what disheartened us the most.

Araw-araw ay ganito ang eksena namin ni Mawi. Bago pumasok ay dumederetso muna ako dito para pakainin si Mawi ng almusal at pagkatapos naman ng pasok ko sa school ay nagluluto ako para sa hapunan ni Mawi. Nakakapagtaka man pero ako daw ang unang hinanap niya ng nagkamalay siya at ako lang din daw ang nakakapagpahinahon sa binata ayon kay Heart. Kaya naman todo ang suporta ni Heart sa akin na Ako ang kumumbinisi sa kapatid niya para pumayag sa operasyon. Lagi ng nagdadala si Heart ng prutas para daw maipakain ko sa kuya niya dahil kahit siya daw ay hindi nito pinapansin.

Hindi ko naman maitanong kay Mawi kung bakit ako lang ang kinakausap niya na kahit pamilya nito ay hindi nito kinakausap. Sa isip ko ay marahil dahil kaibigan na din ang turing niya sa akin at dahil minsan na siyang naglabas sa akin ng sama ng loob kaya ako lagi ang hinihingahan niya ng mga hinaing niya ngayon. Iyon lang ang naiisip kong dahilan nito.

Pagkatapos kong subuan si Mawi at pinagbabalat ko siya ng mansanas ng magsalita muli ito.

"Kamusta na kayo ni Tito?" Tanong niya na halos ikanginig ng kamay kong may hawak ng kutsilyo. Tinigil ko ang pagbabalat ng mansanas dahil baka balat ko ang mabalatan ko.

"Bakit mo naman naitanong?" Mahinang aniko.

"Well, you are always here. He comes here but he made sure you're in school. I'm guessing, he doesn't want to see you. Your marriage isnt working anymore, right?" Patuya nyang tanong. Napanguso ako sa sinabi niya kahit na ba hindi nito nakikita. Tagos kasi ang sakit ng sinabi niya sa puso ko. Kumirot iyon sa hindi ko malamang dahilan.

"Mawi, okay lang kami ng Tito mo. Nagkakataon lang na hindi kami nagkakasabay na dalawin ka. It's too early to say that our marriage isn't working. Sinusubukan naman namin makisama sa isa't isa." Inis na aniko na ikinataas ng gilid ng labi ni Mawi.

"Tch! Yeah right!" Sarkastikong anito.

"Marriage is not something that you could easily get out of!" Matigas na pahayag ko na ikinatawa ng mapait ni Mawi.

"Not for my uncle. I'm sure kinakati na iyon na nakatali siya sa iisang babae lang! Ang ganitong kahabang relasyon ay Record-breaking na nga para kay Tito. I'm sure, Anytime now he will drop the bomb and asks you to set him free." Patuyang muli na anito na ikinalukot lalo ng mukha ko.

"Kumain ka na nga lang!" Inis na aniko sabay subo sa kanya ng mansanas na nabalatan ko na at hiniwa. Patuya na tawa ang sumunod na pinakawalan nito habang nginunguya ang sinubo kong mansanas sa kanya. Hindi ko naman maintindihan bakit parang ang sakit sakit ng mga sinabing iyon ni Mawi. Na ang katotohanan naman ay alam ko naman mula simula na doon din ang punta ng kasal namin ng tito niya. Then why do I feel like my heart is breaking from that thought?!

The Shotgun Wedding (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon