Lilac POV
Nag-aabang na kami sa labas ng campus ng may biglang pumaradang 1967 red ford mustang sa tapat namin. Base sa pagka-vintage ng kotse nito ay alam ko na kung kanino nagpasundo si Heart. Napanguso ako sa inis. Lahat kasi ng miyembro ng pamilya ni Heart ay nakasundo kong lahat maliban lang sa isa. Lumabas ang lalaking nagda-drive noon at ngumisi sa amin.
"Bakit sa kanya ka nagpasundo? Akala ko kay Manong Ben!" Bulong ko kay Heart na ikinabelat naman nito sa akin pero hindi na sya sumagot.
Kainis!
"Hi flower! Sasabay ka na din ba?" Ani ng lalaking lumabas sa driver's seat. Napaingos ako sa tawag nya at inirapan ko sya. Hindi ko na lang sya pinansin baka kasi matarayan ko nanaman sya. At yung tawag nya sa akin?!
What the F?!
Ewan ko ba bakit yun lagi ang tawag nya, para kasing napaka out of this world tapos ewan ko pero nababastusan talaga ako. Kung sabagay talaga namang bastos ang isang yun.
At yung tanong nya?! Hello?! Maghihintay ba ako dito kasama nila Mawi at Heart kung hindi ako sasabay?! Ano ako tagahatid?!
Obvious naman diba?! Stupid lang talaga sya!
"Tito Gian, bakit antagal mo? Ani naman ni Heart sabay beso sa lalaki na laging may pilyong ngiti ang labi.
"Matagal ba kayong naghintay? Naghatid pa kasi ako ng chicks ko eh... oh Ano? tara ng magmeryenda? Libre ko." Anas naman ng lalaki na ikinaikot ng eyeballs ko sa inis.
See?! Ang bastos talaga! Ang landi pa! Stupid girls din talaga ang bagay sa stupid guy!
At oo, tiyuhin ni Mawi and Heart si Gian. Gian Leandro Pitonghari. He's like eleven years older than me and Heart but he doesnt act his age. Masyadong presko at mayabang. He is like a child trapped in a man's body, maybe because he looks younger than his age ay nakakaakto syang parang mas bata sa edad nya. Masyado kasing boy next door ang itsura nya at halos nga napagkakamalan syang ka edad lang ni Mawi.
I met him two years ago ng dumalaw sya sa bahay nila Heart. He was drunk and he hit on me by touching my exposed thigh while I'm sitting on the couch sa pag-aakalang matanda na ako.
Nakakainsulto diba?! Mukha ba akong matanda na?! Oo malaki akong bulas para sa edad ko noon na sixteen pero ang mapagkamalang matanda na?! At ng nagsisigaw ako at naglabasan sila Mawi at magulang nila ni Heart ay nagsorry lang sya. Di nya daw alam na bata pa ako. At ang mas nakakainis ay ang pagkapahiya ko sa harapan ni Mawi noon. Simula noon ay may unspoken hatred na ako kay Gian. I dont even call him tito like Heart and Mawi calls him. Madalas kasi hindi ko din sya kinakausap o tinatapunan ng tingin.
Nawala ako sa mood! Pero ng akbayan ako ni Mawi para lumakad na papunta sa nakaparadang kotse ay nakalimutan ko agad ang inis ko. Natunaw na parang bula at biglang umaliwalas ang pakiramdam ko na nauwi din sa pagkakilig.
Shux! Heaven sa arms nya!
"Tara na lilac." Aya ni Mawi na ikinangiti ko na at lumapit na din kami sa kotse. Sandaling kaligayahan lang yun dahil tinaggal din agad ni Mawi ang pagkakaakbay nya ng batiin niya si Gian in a bro hug.
"Kaya naman pala antagal ng sundo eh! Ikaw pala! Panigurado umiskor ka muna!" Ani Mawi na ikinatawa nilang dalawa.
"You know me so well, pamangkin!" Sagot naman ni Gian.
Sa inis ay hinatak ko si Heart at binulungan.
"Sa passenger seat ka umupo... dali!" Aniko sa kanya at muling nag usap ang mga mata naman. Kumunot ang kanya at mapagbanta habang pinanlalakihan ko sya na nauwi din sa kunwari paawa effect na mga mata at pagpout ng nguso.
BINABASA MO ANG
The Shotgun Wedding (COMPLETED)
RomancePikot. Paano nga ba kung gumawa ka ng paraan para mapikot ang lalaking matagal mo ng gusto? Pero paano kung ang namimikot ang napikot?! Kung napikot ng pumipikot ang hindi naman pinipikot, matatawag pa ba iyong pikot?! Magulo ba? Naguluhan nga din...