I SURRENDER ALL TO YOU

738 3 2
                                    


sabi nila the best way to gained forgiveness is to be honest of what you feel. And you are not ashame to admit all your faults and flaws sa sarili.

And it depends on that person kung tatangapin kapa niya in all things that you've done.

Counting na lang ng oras and goodbye earth na ako.

Ill try to update more bago ang flight baka matagalan uli bago ako makapag update.
____________________________________

Chapter 23

Alejo pov

Patingin tingin ako dito mahimbing ito na natutulog. Napangiti ako tama ang nasa isip ko na hindi ako nito matitiis.

May kung anong pag asa ang umusbong sa puso niya. Sana magtuloy tuloy na at mapatawad ako ng kabiyak ko.

Dinala ko ito sa lupang nabili ko para sa amin plano ko pag nagkaayos na kami dito ko ipapatayo ang bahay namin.

Tanaw na tanaw dito ang kabuohan ng Maynila. Matagal ng nakatigil ang sasakyan at matagal ko na ding tinititigan ito.

Maganda pa rin ito, walang pinagbago ang itsura nito. Napadako ang paningin ko uli sa mga labi niya.

"Pinanabikan ko ang mga halik mo asawa ko, sa bawat halik mo nawawala ang pangungulila ko sa inyo".

Gumalaw ito at dahan dahan na nagmulat ng mga mata nito. Mukhang wala pa sa tamang huwisyo ito at nagtataka sa paligid kung nasaan ito.

"Where the hell are we? Bakit dito mo ako dinala"salubong na ang kilay nito. Halata na galit na ito, napangiti ako, maganda pa rin siya.

" dinala kita rito para makapg usap tayo ng maayos, sana pakinggan mo naman ako" puno ng pagsusumamo ang boses ko.

Napabuntong hininga ito, parang hirap na hirap na din ito. Diretso akong nakatingin sa harapan.

Tinitigan ko ang magandang tanawin at parang naghahanap ng lakas ng loob doon.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, hindi ko maipagtatanggol ang sarili ko kasi alam ko kasalanan ko, nabigo kita lahat ng pangako ko sa'yo napako, lahat ng pagtitiis mo sa piling ko at lahat ng sakit hindi ko kayang tumbasan"pinahid ko ang luha na tumulo sa mga mata ko.

" pero ito lang ang alam ko, ito ang nasa saloob ng puso ko, mahal kita, mahal na mahal.. Pag aari mo ako asawa ko, physically mentally at emotionally. Ang katawan ko ay sa'yo lamang pinangako ko na iyong iyo na lamang ako wala ng iba pa, mentally kasi sa lahat ng oras ikaw ang nasa isip ko nagkalayo man tayo walang minuto na hindi ka laman ng isip ko, emotionally kasi lahat ng nararamdaman mong sakit sa piling ko ay siya kong nararamdaman sa mga araw na nagdaan na wala ka sa tabi ko" narinig ko na napahagulgol ito ng iyak.

Ako hilam na rin ang luha ko, hindi ko na tinangka pa na itago ito.

"Ginawa ko ang lahat para mahanap ka, pero wala akong makuhang lead kung nasaan ka hanggang nakita kita sa isang fashion magazine, i try to go to greece pero i dont know any particular reason why i am not allowed to enter that country, kahit pa na sabihin ko na negosyante ako. Ive also approaches the Tsivi siblings pero ni tingin hindi nila ako tinatapunan. Nagkaroon ako ng pagkakataon na makita ka ng party, laking tuwa ko kasi nabigyan ako ng pagkakataon na maitama ang lahat. Pero inaasahan ko na ang galit mo sa akin at handa ako sa kung ano man ang gusto mong gawin sa akin" nilingon ko ito nakayuko na ito at tahimik na umiiyak.

"Alejo tama na, tapusin na natin ang lahat-" pinutol ko ang sasabihin nito ng bigla ko itong niyakap. Ayoko na ituloy nito ang sasabihin niya.

Nang Dahil Sa Pag ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon