Pag sobra na tigilan na, kapag nakita mo ng wala ng patutunguhan ang lahat bitawan mo na, kapag wala ka ng dapat ipaglaban isuko mo na.Hindi ka ipinanganak para palitan si Rizal sa Luneta. Kaya dapat strong ka, i deeply believe na lahat ng babae at matitibay kaya natin lahat kaya isulong ang karapatan ng kababaihan 😊😊.
Bear with me guys
Konting kembot na lang 😁😁
Enjoy reading____________________________________
Past pa rin tayo
Chapter 28
Shrakraine pov
Nanghihina na nagising ako at tumambad sa akin ang puting dingding, napagtanto ko na nasa hospital na naman ako.
Mapait akong napangiti at napangiwi sa hapdi ng katawan ko. Agad kong kinapa ang sinapupunan ko at nakaramdam ako ang hindi maipaliwanag na takot ng wala akong maramdaman na umbok.
Kinakapos ako ng hininga at sabay ng pagtutunugan ng mga makita na nakakabit sa katawan ko.
Agad na pumasok ang mga nurse at sinubukan na pakalmahin ako. Tinurukan ako ng gamot at umayos ang pakiramdam ko.
Kaharap ko ngayon ang doctor at madami itong sinasabi na hindi ko na maintindihan.
"Doc, kamusta ang pinagbubuntis ko, wala po bang naging problema" kahit na may pakiramdam na ako na nawala na ang anak ko pero nahihirapan ako sa pagtanggap ng katotohanan.
Napabuntong hininga muna ito bago nakapagsalita at puno ng pakikipagsimpatya.
" i sadly here to inform you Mrs. But you lost your child, hindi na namin pa nagawan ng paraan para isalba siya. Napasama ang pagkakahulog mo sa hagdan at bago pa noon dahil marahil may tumama na matigas na bagay sa tiyan mo" wala na akong nasabi napahagulgol ako ng iyak.
"Nakikiramay ako mrs. Magpahinga ka muna kakailanganin mo yan, tumawag ka lang kapag may kailangan ka" iniwan na nila ako ng masigurado nila na wala na akong kailangan pa.
Nawasak ang mundo ko sa sinabi ng doctor. Ang isang nilalang na pinanghuhugutan ko ng lakas ay wala na.
Ang nag iisang nilalang na naging dahilan na kinaya ko ang pinaggagawa sa akin ng ama nito ay wala na.
Nakaramdam ako ng sobrang galit sa ama ng anak ko. Bigla akong nanlamig wala na akong maramdaman.
Natuyo na rin ang luha ko at napuno ako ng pagsisisi, sana kung may lakas lang ako ng loob na humiwalay dito.
Sana kung hindi ko pinahalagahan na dapat magkaroon ng ama ang anak ko. Sana mas pinili kong lumayo dito.
Sana buhay pa ngayon ang anak ko, madaming sana ang tumatakbo sa utak ko pero lahat ng ito ay wala ng kabulohan dahil wala na ang anak ko.
Nasa malalim akong pag iisip ng bumukas ang pinto at pumasok ang hindi ko inaasahang tao na makikita.
"Anong ginagawa mo dito" malamig na boses na tanong ko dito at blanko ko itong tiningnan.
Agad na lumapit ito sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Para akong tuod na hindi gumalaw man lang para gumanti dito.
" kamusta kana asawa ko? May masakit ba sa'yo? " puno ng pag aalala ang mukha nito pero bakas pa sa mukha nito na bangag ito sa pinagbabawal na gamot.
BINABASA MO ANG
Nang Dahil Sa Pag ibig
Teen FictionNaranasan mo na ba yong naiubos mo na ang lahat ng makakaya mo pero kulang pa din? Naranasan mo na bang masaktan hindi lang sa emosyonal na aspeto pati na rin physical at mental, kasama na kaluluwa mo? Naranasan mo na bang lait laitin ng tao, apak...