I AM HIS WIFE

775 7 0
                                    

Malapit na ang pasko pero hindi ko ramdam. Mahirap talaga na malayo ka sa pamilya mo.

Pasensya na matagal ang update wala ako sa mood magsulat eventhough nasa utak ko na ang takbo ng isusulat ko.

____________________________________

Konting kembot na lang matatapos na ang throwback natin

Chapter 30

Sharkraine pov

Naramdaman ko ang hindi mapakali na pagkikilos ni Angie sa loob ng kuwarto kung saan kami nakalagak ni Don Franko.

Panay buntong hininga nito at tingin sa cellphone niya. May naramdaman naman ako na hindi maipaliwanag na kaba.

"Hello Kuya Reagan? Kamusta anong balita sa Kuya ko? "Agad na sagot nito ng tumunog ang cellphone nito.

Binalot ako ng kaba lalo ng makita ko ang nag aalalang itsura nito.

"Malala ba siya kuya, ano bang nangyari? Ano? Papunta na kayo dito? Sige hintayin ko na lang kayo sa baba-" bago pa man ako makapagtanong dito agad na itong lumabas ng kuwarto.

Kinakabahan na ako ng sobra kaya kahit na nahihirapan pinilit kong bumaba sa kama. At nagsuot ng roba na ginamit ko kanina sa paglilinis ng katawan.

Nakita ko ang nagkakagulong staff ng hospital sa bandang emergency room at andoon si Angie at Reagan.

Yakap yakap ng binata ang umiiyak na dalaga. Nahihilo ako sa takot na nararamdaman ko.

"Bakit kayo nariritong dalawa? Anong mayroon dito? Sino ang nandyan? "Gulat na napalingon ang dalawa sa tanong ko.

" Ate Ina bakit ka bumangon at lumabas ng kuwarto, naku bumalik kana doon halika samahan kita" agad na aya sa akin ni Angie ng makabawi ito sa gulat.

Pero nagmatigas ako, tinitigan ko ng matiim si Reagan na agad naman nag iwas ng tingin. Tiningnan ko din si Angie na ngayon nakayuko na at yumuyugyog ang katawan sa tahimik na pag iyak nito

"Sabihin niyo, anong nangyari bakit kayo andito? Sino ang nasa loob ng ER? " nilamon na ako ng hindi maipaliwanag na kaba, parang alam ko na kung sino ang nasa loob.

" si Alejo ba ang andiyan? Sagutin niyo akong dalawa? " kahit naman galit ako sa asawa ko nasasaktan ako at natatakot sa ano mang pwede nilang isagot sa akin.

" tama ka Ina si Alejo ang nasa loob, gumulong sa mababaw na bangin ang sasakyan niya galing yata siya sa hasyenda, tinawagan niya si Angie para ipaalam ang nangyari sa kanya" agad naman akong niyakap ng binata.

Kahit ganoon kasama ang ginawa sa kanya ng asawa niya at napagsalitaan niya ito ng masasakit pero hindi naman buo sa loob niya ang paghiling ng kamatayan nito.

Humahagulgol na ako ng iyak at si Angie ng lumabas ang doctor sa loob. Agad kaming lumapit dito, hindi maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha nito.

"Mayroon bang kamag anak dito ng pasyente" napatingin siya sa amin.

" kami po, kamusta po ang kapatid ko? " nag aalalang tanong ni Angie.

" masama ang lagay ng dalawang binti niya at ng sugat niya sa bandang likuran, may mga bubog din ng salamin sa mga mata niya, kailangan siya malipat agad sa Maynila para mas maasikaso siyang mabuti" napahagulgol pang lalo si Angie sa narinig. Lalo namang bumalon ang mga luha ko sa narinig.

Nang Dahil Sa Pag ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon